Saturday , November 23 2024

Gerald, ayaw makatrabaho si Maja

ni Pilar Mateo

MAY mga sikreto sa likod ng mga ngiti ni Gerald Anderson sa pangungulit namin sa kanya sa sagot niya sa tanong namin kung magsasama na ba sila ng girlfriend niyang si Maja Salvador sa isang proyekto sa TV man o sa pelikula.

Ang say kasi ni Gerald, “As much as possible, ayoko!”

Isa o dalawang rason kaya kung bakit?

“Basta lang, secret. Basta as much as possible ayaw ko siya maka-trabaho.”

Hindi maibulalas. Pero happy naman siya na marami ang happy sa muli nilang pagsasama ni Kim (Chiu) sa isang commercial ng kape na nagsama-sama ang mga mag-ex.

At kung may possible project daw for him and Kim eh, open naman siya sa possibilities.

“Matutuwa naman kami kasi para sa mga supporter namin. It’s been a long time. At nagpapasalamat kami na nagawa naming mapasaya pa rin sila. Maganda naman ang concept ng ad. Basta ako, open sa lahat ng projects. Trabaho ‘yun, eh.”

And there are exceptions to the rule!

Maurirat nga si Maja!

Zoren at Jairus, nagka-problema

(LONGBOARDING is the act of riding on a longboard skateboard. A longboard is greater in size (both length and width) than its smaller counterpart, the skateboard, and has more stability, traction and durability due to lower wheel durometers (measures of the hardness of the material).

Tungkol sa relasyong mag-ama ang tatalakayin ng matutunghayang episode sa MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado, June 21, 2014 sa primetime sa ABS-CBN, na tatampukan nina Zoren Legaspi (as Bibi) at Jairus Aquino (as Dandoy).

Walang ibang pangarap si Bibi para sa kanyang anak kundi ang makatapos ng pag-aaral. Pero masusubok ang relasyon ng mag-ama sa sandaling mahilig sa longboarding si Dandoy na magiging dahilan para ito matigil sa pag-aaral. Dito magtatalo ang mag-ama kung sino sa kanila ang nasa tamang disposisyon.

Magsisiganap din sa nasabing episode sina Yved Flores, JB Agustin, Assunta de Rossi, Joe Vargas, Marc Solis, at Lance Lucido (bilang batang Dandoy). Mula sa direksiyon ni Raz dela Torre, panulat nina Mark Duane Angos at Arah Jell Badayos at saliksik ni Akeem Jordan del Rosario. Na pinamumunuan ng business unit head na si Malou Santos, production manager na si Roda dela Cerna at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Fe Catherine San Pablo.

MMK continues to soar higher as the longest-running drama anthology in Asia.

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *