Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vilma at Maricel, ‘di pa rin nagkaka-ayos?

 ni Alex Datu

AS of this writing, hindi pa rin alam ng ordinaryong manonood ng telebisyon kung ano ang nangyari sa taping ng dance show ni Marian Rivera sa GMA-7 nang nagkasabay mag-guest sina Vilma Santos at Maricel Soriano. Dapat kasama si Alma Moreno dahil sikat din naman noon ang kanyang

Loveliness kaso may karamdaman daw ito.

Gaano kaya totoo ang tsika ng aming reliable source na mismong ang Diamond Star ang nagpasabi sa production staff ng dance show ni Marian na ayaw nitong makasama sa eksena ang gobernadora ng Batangas? Kaya maraming nag-iisip kung hindi pa sila nagkaayos sa kanilang ‘away’ noon na ang ugat umano ay ang naging asawa ni Edu Manzano.

Siyempre, una si Ate Vi at nagkaroon nga sila ng Lucky at sumunod na pinakasalan ni Edu ay si Maricel na hindi nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Ayon sa aming source, kaya raw nagkaroon ng ‘away’ ang dalawa ay dahil sa cold treatment na ibinigay ni Maricel kay Lucky sa tuwing dumadalaw daw ito sa kanyang Daddy Edu. Nakarating daw kay Ate Vi ang hindi magandang pakikiharap ni Maria sa anak nito kaya masama ang loob nito kay Maria.

Well, nagiging curious tuloy kami kung magkaiba ang production number o silang dalawa sa iisang production number dahil base sa trailer, parang lumalabas na magkasama sa iisang number ang dalawa.

Abangan na lang natin ang pangyayari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …