Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasal ni Jopay, inisnab ng kanilang manager na si Joy?

ni Vir Gonzales

PARANG hindi namin namataan si Joy Cancio kung dumating ba o imbitado ba sa kasal na nina Sexbomb Jopay Paquia at Joshua Zamora kamakailan.

Si Joy ang manager ng Sexbomb at tumulong para magkapangalan ang mga dancer niya noon na biglang naging mga artista sa television via Daisy Siete. Seven years din ito sa ere at tinalo ang ibang bigating teleserye sa ibang network na nagpapanggap na pinakamatagal sa ere.

Masaya na si Jopay, matagal din silang naging mag-sweetheart ni Joshua noong panahong nasaDaisy Siete pa. Tiyak kaming masaya si Joy  dahil lumagay na sa tahimik ang isa sa kanyang mga anak-anakan.

Married na rin si Izzy Tirazona. Kailan kaya susunod sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap? Matagal na rin kasing magdyowa ang dalawa.

ATHENA AT HARVEY, MAS MATIMBANG KAY BISTEK

MARAMI ang natuwa sa muling pagbabalik pamilya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang mga anak. Panalo pa rin si Tates, kahit tatahimik lang siya.

Hindi masisisi si Bistek sa kanyang decision. Higit na matimbang ang anak, kaysa girlfriend lang. ‘Yun nga lang, naimbiyerna si Kris Aquino, pero walang magagawa.  Sina Athena at Harvey ay masyadong malambing sa ama.

Tiyak hahanap-hanapin ito ni Bistek sa pang araw-araw niyang buhay.

JOEM, KABI-KABILA ANG PROYEKTO

AWARD winning actor man si Joem Bascon ay napapayag siyang mag-bold sa pelikulang Bagong Dugo ni Val Iglesia.

Ang totoo, hindi naman ito bold, may istorya ito, kaya lang kailangan siyang maghubad sa eksena.

Nag-gym pa nga si Joem, para huwag namang sabihing naghubad nga pero wala namang abs.

Sa Maria Leonora Teresa, asawa siya ni Jodi Sta. Maria at sa Padre de Pamilya kasama niya siNora Aunor. Sa Legal Wife, kasali rin siya.

Well, going places na yata talaga ang anak mo ka Jun (tatay ni Joem).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …