Tuesday , December 24 2024

Anak ni Gina na si Racquel, award winning actress na rin

ni Danny Vibas

AWARD-winning actress na rin ang anak ni Gina Pareño na si Racquel. Nagwagi siya sa kategoryang Female Featured Performance in a Play sa 6th Gawad Buhay Award ng Philippine Legitimate Stage Artists Group, na ang ginagamit na pinaikling pangalan ay Philstage. Organisasyon ito ng performing artists sa bansa (kabilang na ang mga mananayaw at opera singer).

Nagwagi siya para sa pagganap n’ya bilang ina ni Shylock sa adaptasyon ngTanghalang Pilipino ng Merchant of Venice na pinamagatan nilang Der Kaufmann. Ang karakter ni Racquel ang magsasabi ng mga pamosong linya roon na, ”If you prick us, do we not bleed? If you tickle us, do we not laugh?” (Kapag tinusok n’yo kami, ‘di ba kami magdurugo? Kapag kiniliti n’yo kami, ‘di ba kami hahalakhak?”)

Ang kategoryang Featured Performance ay bale katumbas ng Best Supporting Actress sa movie awards ng showbiz. Male Lead Performance at Female Lead Performance naman ang tawag ng Gawad Buhay sa kanilang Best Actor at Best Actress na mayroon para sa play at hiwalay ang sa comedy o musical (ganoon din naman sa Featured Performance).

Napanood namin ang awards night kamakailan na ginanap sa Little Theater (Tanghalang Aurelio Tolentino) ng Cultural Center of the Philippines. Noong tapos na ang awards night ay at saka lang namin napag-alaman sa lobby ng Little Theater na naroon pala ang ina n’yang si Gina (na isa namang premyadang aktres sa pelikula).

Pinasalamatan naman ni Racquel ang kanyang butihing ina nang tinanggap ang kanyang trophy bagamat di n’ya nabanggit ang pangalan nito.

Hindi naman ang Der Kaufmann ang unang pagganap ni Racquel sa Tanghalang Pilipino. Noong Oktubre last year ito ipinalabas.

May ilang taon na rin namang kasapi si Racquel sa nasabing grupo na siyang resident theater company ng CCP. Nasa cast din siya ng Sandosenang Sapatos ng Tanghalang Pilipino na may mga nominasyon din sa katatapos lang na Gawad Buhay. (Isang musical naman ‘yon, samantalang ang Der Kaufmann ay isang diretsong dula.)

Sa lobby, nakatsika namin ang mag-ina at nabanggit nga sa amin ni Gina na pareho silang gaganap sa Pahimakas ng Isang Ahente (adaptasyon ng Death of a Salesman ni Arthur Miller) na ipalalabas ng Tanghalang Pilipino sa Agosto. (May ilang dula na rin sa Tanghalang Pilipino na nilabasan ni Gina.)

Wow, sikat na ang mag-ina. Para na ring sina Jacklyn Jose at Andi Eigenmannbagamat magkasundong-magkasundo ang mag-inang Gina at Racquel.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *