Wednesday , November 6 2024

Ang huling bigwas sa Estrada dynasty

MARAMI na ang nag-aabang sa pinananabikang desisyon ng Supreme Court sa disqualification case laban kay ousted president at convicted president Joseph ‘Erap” Estrada.

Maituturing kasi itong “fatal blow” o hu-ling bigwas sa Estrada political dynasty na mahigit 40 taon nang namamayagpag sa lipunang Pilipino, at para kay Erap, isa itong bangungot na hindi dapat maganap.

Ang magiging pasya ng Korte Suprema sa DQ case ni Erap ang magiging hudyat sa mga abusadong politiko na kailangang sundin ang mga umiiral na batas sa bansa, tuldukan na ang panlilinlang sa mga mamamayan, wakasan at pagdusahan ang pagnanakaw sa kaban ng ba-yan.

At parang orchestra ang mag-aamang Erap, Jinggoy, at JV sa pagsasabing pinopolitika ang kanilang pamilya kaya nahaharap sa iba’t ibang kaso dahil hindi nila kayang depensahan ang mga sarili sa mga nilabag na batas.

Kaya lahat ng paraan ay kanilang gagawin para hindi madiskuwalipika si Erap bilang Manila mayor para matuloy ang planong kumandidato muli sa 2016 presidential elections, kahit pa ipinangangalandakan niyang magreretiro na siya sa politika.

Paano pa paniniwalaan ang “retirement statement” ni Erap kung mismong ang pangako niyang hindi na tatakbo sa alinmang posisyon sa pamahalaan na ipinangako niya sa gobyerno kaya siya binigyan ng conditional pardon ni GMA ay hindi niya tinupad?

Papayag ba si Erap na biglang gumuho ang political dynasty na kanyang itinatag lalo na’t wala siyang mapagmamanahan ng babakantehing trono dahil makukulong si Jinggoy, may mga kaso rin sa Ombudsman sina JV at keridang si Guia, ang esposang si Loi ay sangkot din pala sa pork barrel scam at ang pamangkin na si ER ay dinis-kuwalipika na ng Comelec bilang Laguna governor?

Dahil santambak ang kuwartang nakamal ng lahing Estrada sa politika, napakadali para sa kanila na gastusin ito, huwag lang maglaho ang kanilang kapangyarihan.

Kaya kaliwa’t kanan ang pinopondohang pagkilos para itambol ang kampanyang may kinikilingan ang administrasyong Aquino sa pagsu-sulong ng mga pork barrel scam case, at ang pinag-iinitan lang ay sina Jinggoy, Juan Ponce-Enrile at Bong Revilla.

Ginagawa nilang tuntungan ito para ilihis ang isyu palayo sa kanila at ituon kay PNoy bilang kunsintidor na Pangulo hanggang mawala na ang tiwala ng taong bayan sa kanya at maluklok bilang kapalit niya si VP Jojo Binay, para maisalba sina JPE at Revilla, at ang Estrada dynasty.

Kung bibigay ang Malacañang sa “pressure” at hindi isampa ng Ombudsman ang mga kaso laban sa tatlong senador sa Sandiganbayan, ang ibig sabihin, ay may presyo rin pala ang rule of law sa ilalim ng administrasyong Aquino.

“SEXY” AT JINGGOY, IISA

KAHIT anong paglihis sa isyu ang gawin ng kampo ng pork barrel senators, malinaw na pa sa sikat ng araw na si Jinggoy ang tinutukoy na may alyas na “Sexy”.

Isiniwalat ng National Bureau of Investigation (NBI) na may mga nabura sa Ben Hur Luy files, gaya ng draft letter ni “Sexy’ para kay Exe-cutive Secretay Paquito Ochoa.

Kinompirma ni Ochoa noong Biyernes na noong Hunyo 2012 ay nakatanggap siya ng liham mula kay Jinggoy na humihiling ng P250 milyon para sa livelihood projects ng mga maliliit na magsasaka sa iba’t ibang lalawigan, at inendorso sa Department of Budget and Management (DBM) ngunit hindi naman pinagbigyan.

Puwes, totoo pala ang pahayag ni Luy na ang may alyas na “Sexy” sa pork barrel scam ay si Jinggoy, at hindi si Rochelle Ahoro na personal secretary ni PNoy, tulad nang ibinulgar ng pahayagan na pagmamay-ari ng mga Estrada.

ERAP, NAPOLES PAREHO

ANG “LEGAL STRATEGY”

HABANG dinidinig sa Sandiganbayan ang plunder case laban kay Erap ay sinibak niya ang lahat ng kanyang abogado para palabasin na may “mistrial” at hinihintay lang na magwagi ang kumpareng si FPJ sa 2004 presidential elections at mabasura ang lahat niyang kaso.

Nang matalo si FPJ, napilitan si Erap na kumuha ng mga bagong abogado, ngunit ang estratehiya nama’y durugin ang kredibilidad ng Saniganbayan at palabasin na ang paglilitis sa kanyang mga kaso ay bunsod lamang ng politika para mabigyan ng katwiran ang pagpapatalsik sa kanya sa Palasyo.

Pero wala ring nagawa ang mga abogado ni Erap sa baluktot na argumento ng kanilang kli-yente, lalo na’t nalunod sila sa santambak na ebidensiya na suportado pa ng mga testigo.

Nang humarap naman si Napoles sa Senado ay wala rin siyang kasamang sariling abogado kaya puro denial ang sagot sa Senate hearing.

At nang lumabas ang Ombudsman resolution na isasampa na ang mga kaso sa Sandiganbayan at makukulong na rin sina Jinggoy, JPE, Bong at Gigi Reyes, biglang naglaho ang amnesia ni Napoles at natandaan ang lahat ng naging mga transaksyon sa kanila at sa iba pa.

Gusto ni Napoles na hindi muna makarating sa Sandiganbayan ang mga kaso, patagalin ang imbestigasyon sa pork barrel scam hanggang mag-snowball ang Napoles list sa destabilisas-yon laban kay PNoy o kaya’y abutan na ng 2016 elections, para makalusot silang lahat sa selda.

Para sa reklamo, suhestiyon at komentaryo tumawag o mag text sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *