Sunday , December 22 2024

Ang kahalagahan ng La Mesa Dam sa seguridad ng Metro Manila

NOONG Friday ay nag-trekking kami sa La Mesa Dam kasama ko ang ilang classmate sa Master in National Security Administration (MNSA) Class 49 na sina Col Alex Luna, Col Alberto Desoyo, Col Jeff Hechanova, Col Gerry Soliven, Col Rolando Rodil, Dr Nep Labasan, and Pat Joson. Umabot ng limang oras ang paglalakad namin sa ilalim ng mala-paraisong mga punong kahoy kasama ang kuwentohan siyempre ng samo’t saring mga usapin na may kinalalaman sa national security, kahit na nasa labas na ng classroom interes pa rin ng bansa ang pinag-uusapan namin particular na of course ang mga usapin tungkol sa environment, ganon talaga siguro ang epekto ng MNSA, batiin ko nga pala ang aming Course Director na si Prof Charry Joaquin. Nakita namin mismo, Mam, ang tunay na sitwasyon ng La Mesa Dam.

***

Ang La Mesa Dam at ang ecological nature reserve ang bumubuo ng La Mesa Watershed and Eco-Park sa Lagro, Quezon City. Bahagi ito ng Umiray-Angat-Ipo-La Mesa water system na source ng water supply ng buong Metro Manila. Ang dam lang mismo ay kayang mag-imbak ng 50.5 million cubic meters ng tubig sa lawak nitong 27 square kilometers. Napakahalaga nito dahil 1.5 million liters ng tubig ang dumadaloy araw-araw para sa pangangailangan ng 15 million na mga residente ng Metro Manila. Ito rin ang kahuli-hulihang forest of its size sa kalunsuran. Alam ninyo po ba na isang security problem ito na tila bombang handang sumabog anumang oras noong 1999 sanhi na rin ng kakulangan ng watershed protection, illegal na pagha-harvest ng mga itinanim na kahoy, conversion ng forest land into agricultural crop lands, at ang pagpasok ng informal settlers sa kagubatan. Ang mga ito ay naging sanhi ng watershed degradation

***

Nagsimula itong ma-rehabilitate matapos magkaroon ng kasunduan ang Bantay Kalikasan ng ABS-CBN Foundation, ang MWSS at ang pamahalaan ng Quezon City para ma-sustain ang Save La Mesa Watershed Project. Sa kasalukuyan, isa itong matagumpay na private-public partnership projects na sinusuputahan ng AFP. hinihimok kong sundan ng iba pang kompanya at private foundations bilang ambag sa pangangalaga ng ating kalikasan. Nagkaroon na ng facilities na kinagigiliwan ng urban families dahil tila resort na rin ito sa ngayon. Para sa environmental awareness ng mga pamiliyang nasa lunsod, isa itong alternative venue ng family outings. Maging ang mga companies ay maaaring makinabang dito sa pamamagitan ng makakalikasang company outings.

***

Ang tunay na hamon ay para sa lahat na nakikinabang sa benepisyong dulot ng La Mesa Dam, ng tubig sa kamaynilaan, at sa paglinis ng hangin na siyang ginagawa ng mga kahoy sa gubat nito.

Sana ay magkaroon tayo ng mga collective action para mapalawak ang kagubatan sa paligid ng La Mesa Dam. Hindi lang sa immediate watershed nito kundi beyond pa at kung hanggang saan maabot ang reforestation. Isipin na lang natin kung ano ang mangyayari sa ating ekonomiya at seguridad kung sakaling matuyuan ng tubig ang La Mesa.

Ang hamon ko sa lahat: Makiisa at makialam para sa kaligtasan nating lahat. Batiin ko nga pala ang bago naming District Governor ng Rotary International District 3780 na si Congressman at General Sammy Pagdilao at ang mga Presidente ng 103 Clubs ng RI District 3780 for RY 2014-2015 sa kanilang Mass Induction Ceremony on June 21 sa Sofitel Hotel. Kasama po d’yan ang aming presidente na si Bernadette Pineda. Congratulations din nga pala sa aking mga kasamahan sa Rotary Club of Camp Aguinaldo sa aming “Balik Eskuweala Project” na gagawin sa Bagong Silangan Quezon City. Nakatakda po namin ipamigay ang school supplies sa aming adopted Nursery and Kinder Garten Schools ngayong darating na Lunes.

Nais ko rin saluduhan ang brods and sis ko sa Alpha Phi Omega sa walang sawang pagbibigay nila ng kahulugan sa salitang “pagtulong o service.” Ngayong summer ayon kay Sis Evelyn Canete naging busy ang iba’t ibang chapters and alumni sa buong bansa sa kanilang bloodletting, medical and dental projects kasama na riyan ang walang sawang operations “tule” at pagbibigay ng manpower sa Gawad Kalinga project para sa mga ipinatatayong mga bahay para sa mga maralita nating mga kababayan.

Gerry Zamudio

About Gerry Zamudio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *