Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liz Almoro at Victor Aliwalas, ikinasal na!

KINOMPIRMA ni Liz Almoro, dating asawa ni Willie Revillame na ikinasal na sila ni dating Kapuso actor Victor Aliwalas sa pamamagitan ng isang exclusive wedding na ginanap sa San Francisco, California kamakailan.

Dinaluhan ang exclusive wedding (na kung hindi kami nagkakamali ay ginanap noong Mayo 14) ng ina ni Liz at ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.

Ang kompirmasyon ni Liz ukol sa kanilang kasal ay kasunod ng mga retratong ipinost niya sa Instagram gayundin sa mga natanggap naming postcard kasama ang pre-wedding engagement pictures mula sa Nice Print Photography.

Kung ating matatandaan, nagpakasal noon si Liz kay Revillame sa isang civil wedding, March 2005 na sinundan agad ng church wedding noong June 2005. Na-annul naman ang kanilang kasal noong taong 2008. Nagkaroon sila ng isang anak, si Juan Emmanuel na 11 taong gulang na.

Ayon sa balita, taong 2010 pa may relasyon sina Liz at Victor.                         (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …