Sunday , December 22 2024

Dapat Isaalang-alang ng China ang Mayamang Kasaysayan ng Tsinoy sa Pilipinas

NOONG nakaraang linggo, mga kababayan, parte ng programa namin sa Master in National Security Administration sa National Defense College of the Philippines na pinamumunuan ni Dr. Fermin Deleon, dating Heneral sa AFP, ang pagbisita sa Bahay Tsino sa Intramuros. Batiin ko nga pala ang aming mga prof na sila Dr. Ananda Almase at Dr. Chester Cabalza na sumama sa amin, kasama na rin ang mga classmates ko na pinamumunuan ng aming presidente na si Col. Ferdinand Fraginal at kasama rin namin ang aming course director na si Cmdr. Otom Bautista. Ang Bahay Tsino ay isang museum na nakalagak ang mga dokumento ukol sa kasaysayan ng mga Tsinoy sa Pilipinas, ng buhay nila sa Pilipinas, at ng mga naiambag at patuloy na iniaambag ng mga Tsinoy sa buhay at kasaysayan ng ating bansa.

Isang pagbalik-tanaw sa kasaysayan ang namuo sa akin habang inaanlisa ko kung paano mapatitibay ang relasyon ng Pilipinas at Tsina sa harap ng hidwaan sa West Philippine Sea.

Bago pa man dumating ang mga Kastila at mga Western Colonizers sa ating bansa, buhay na buhay na ang palitan ng negosyo sa pagitan ng mga Tsino at ng mga kababayan nating namuhay na noon. Noong kalakasan ng pakikipaglaban natin kontra sa mga Kastila, ang mga mestizo de sangley o mga Chinese mestizos katulad nina Rizal, Aguinaldo, Lopez Jaena, Pedro Paterno, ang Gomburza at ang Trece Martires ng Cavite ang nanguna sa mga kilusang reporma at rebolusyon.

Noong napasailalim ang Pilipinas sa Amerika, dahil sa mga pangyayari roon sa China – simula sa Taiping Rebellion, Chinese Civil War, Boxer Rebellion, at sa pagbagsak ng Qing Dynasty – libo-libong Tsino mula Fujian province ang nagsilikas papuntang Pilipinas. Naiwasan nila ang kahirapan, famine, at political persecution dahil sa bukas-pusong pagtanggap ng mga Pilipino sa kanila.

Sa kasalukuyan hindi maitanggi na nagkaroon na ng tatak sa ating isipan ang ipinakitang pagmamahal sa bayan nina Cardinal Sin, ng pamilyang Lopez ng Iloilo, Sergio Osmeña, Sr., General Vicente Lim, mga naglalakihang pangalan sa ating lipunan katulad ng mga Cojuangco, mga business taipan katulad nina Henry Sy, Andrew L. Tan, John Gokongwei, Lucio Tan, mga national artists na sina Ang Kiukok (Visual Arts) at Leandro Locsin (Architecture), at maging ng mga alagad ng sining na sina Charlie Co, Joey Gosienfiao at Mother Lily. Sila ang mukha ng Tsina sa lipunan natin ngayon.

Nag-transform ang mga Chinese dito sa atin mula sa pagiging barefooted, illiterate, impoverished, peasant immigrants para maging Tsinoy sa panahon ngayon. Pinaghalo ng isang migranteng Tsino ang mga pinaka-dabest ng mga Pinoy at ng mga Chinese to claim his rightful place in the Philippine sun.

At hindi po sila bystanders sa pag-inog ng ating lipunan. Like the rest of our countrymen, kumakayod, nakikipaglaban at nagsasakripisyo sila sa pagpanday ng bansang Pilipinas.

Ang kayamanang ito ng kultura’t tradisyon ay dapat isaalang-alang ng Tsina sa patuloy na illegal na pangungupkop sa ilang isla sa West Philippine Sea. Dapat nga bigyan ng mahalagang pansin ito ng Tsina dahil para na nilang kapatid ang mga Filipino.

Dapat hindi isantabi ang naipundar na papel ng mga Tsinoy sa ating lipunan. Bagkus, dito dapat magsimula ang pagpanday ng isang mapayapa at progresibong pagkakaisa sa pagitan ng ating bansa at ng Tsina. Dapat maging Asian Big Brother ang Tsina at hind imaheng sanhi ng pagkawatak-watak ng pagkakaisa sa Asya.

Ayon pa sa isang historian, isang mortal na kasalanan ang hindi pagpapahalaga sa sakripisyo’t magandang mga ginawa ng mga nauna sa atin. Sana makita ito ng gobyerno ng China at makita nila ang magandang nagawa ng mga naunang Tsino na nagkaroon ng importanteng halaga sa bansang bukas-pusong tumanggap sa kanila noon.

Batiin ko nga pala ng lahat ng brods and sis ko sa Alphi Phi Omega na nagsagawa ng “Operation Tule” sa Brgy. Pinagtungulan, San Jose, Batangas kahapon na inorganisa ni Brod Manny Guce. Pagdating po sa

“Medical and Dental Civic Action Project”   at “Operation Tule.” Maaasahan n’yo po d’yan ang doctors and dentists ng APO. Pati si brod Dr. Mike Hernandez ng Office of the Vice President ay dumating din pala.

Salamat brod!

Gerry Zamudio

About Gerry Zamudio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *