Monday , December 23 2024

Erap at Comelec may sabwatan?

PAREHO ang tono ni deposed president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada at ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdepensa sa kuwalipikas-yon ni Erap bilang kandidatong alkalde sa Maynila noong 2013 elections.

Nililinlang nila ang publiko sa paggiit na naresolba na ng Supreme Court ang isyu ng diskuwalipikasyon kay Erap bilang kandidato noong 2010 presidential elections kaya nakatakbo ito bilang presidential candidate.

Ayaw nilang aminin na kaya ibinasura ng SC ang disqualification case laban kay Erap noong Agosto 31, 2010 kaya wala nang silbing pagpasyahan pa ito dahil tapos na ang eleksyon at hindi naman nanalo si Estrada.

Sabi sa naturang SC en banc resolution, “Following the results of that elections, private respondent was not elected President for the second time. Thus, any discussion of his “reelection” will simply be hypothetical and speculative. It will serve no useful or practical purpose. Accordingly, the petition is denied due course and is hereby DISMISSED.”

Nakarating kasi sa Korte Suprema ang disqualification case laban kay Erap na inihain ni Atty. Evillo C. Pormento ay May 7, 2010 na at hindi naman niya hiniling sa Kataas-taasang Hukuman na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang paglahok nito sa halalan.

Ibig sabihin, nakabinbin pa sa Korte Suprema ang disqualification case sa panahong naganap ang halalan kaya nakatakbo si Erap bilang presidential bet, nguni’t hindi nangangahulugan ito na kuwalipikado siyang kandidato.

Iyan ang malinaw na katotohanan na pilit na ikinukubli ni Erap at ng Comelec, sa magkano, este, anong dahilan ay sila lang ang nakakaalam.

BATAS PINAGLALARUAN, BINABALUKTOT NI ERAP

Ikinatuwiran ni Erap kaya hindi siya dapat idiskuwalipika ay dahil naiproklama na siya ng Comelec at hindi puwedeng abandonahin ang may 300,000 na bumoto raw sa kanya.

Nguni’t ayon sa naunang desisyon ng Korte Suprema, ang kinikikilala ng batas ay ang mga botong nakuha ng kuwalipikadong kandidato.

Noong Abril 13, 2013 ay inilabas ni Chief Justice Lourdes Sereno ang desisyon na diskuwalipikado si Rommel Arnado bilang kandidato sa pagka- alkalde ng Kauswagan, Lanao del Norte kahit pa siya’y nagwagi sa 2010 elections, iprinoklama na at halos tatlong taon nang nakaupong mayor.

Anang Chief Justice, dahil si Arnado ay diskuwalipikadong kandidato, walang bisa ang isinumite niyang certificate of candidacy (COC) kaya’t hindi siya tunay na kandidato at lahat ng boto na nakuha niya ay hindi dapat binilang, pareho niyang disqualified din pati ang boto.

Dahil dito, inutusan ng SC ang Comelec na ideklara si Casan Macode Maquiling bilang tunay na nagwaging alkalde dahil siya ang nakakuha ng pinakamaraming bilang sa hanay ng mga kuwalipikadong kandidato, at hindi ang bise alkalde ang papalit kay Arnado.

Sa madaling sabi, ang kuwalipikadong kandidato lamang ang may karapatan sa sinasabing “Vox Populi, Vox Dei” (The Voice of the People is the Voice of God) – at hindi ang tulad ni Erap na sa simula pa lang o bago pa maghain ng kanyang COC sa Comelec para kumandidato ay disqualified na ayon sa batas.

Gustong palabasin ni Erap ay kahit sinong convicted criminal at diskuwalipikadong kandidato, na gaya niya, ay nababalewala ang batas kapag nanalo sa eleksiyon. Isang masamang bangungot ni Erap ay kapag idineklara siyang diskuwalipikadong kandidato, ang uupo sa Manila City Hall ay si Mayor Alfredo Lim.

Kung ang baluktot na katuwiran ang gustong manaig ni Erap, sa gubat na siya dapat manirahan at mamuno dahil ayaw niyang kilalanin ang mga batas sa isang sibilisadong lipunan.

BILIB SA PROGRAMANG “KATAPAT” SA DWBL

REY L MAAS (Marikina City) – Mula po nang mapakingan ko ang inyong programa ay naging palagian akong tagapakinig. Natutuwa po ako sa inyong mga pagpuna sa mga mahahalagang isyu..lalo na sa plunder cases at mga magna-nakaw sa kaban ng bayan. Kaisa nyu ako sa inyong katuwiran at paglalahad ng suhestiyon kung ano ang maganda at nararapat sa ating bayan.Sa nakaraang pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng paggawa ay malinaw na inilarawan ang paghihirap ng mga mangagawa at kakulangan ng kaukulang pansin ng pamahalaan upang maibsan ito. Sa mensahe ni Pnoy….ay walang sustansiya ng pagbibigay buhay sa mga mangagawa…sa halip ay binigyan sisi ang nakaraang pamunuan na dahilan ng kasalukuyang kinsasadlakan natin. Pahapyaw din nyang pinasaringan ang maagang pulse(false) survey ng resulta ng eleksiyon 2016 kung ginanap nga-yon. Sang-ayon din po ako sa inyong opinyon na sa kasalukuyang takbo ng kaso ng mga sangkot sa PDAP scam ay mauwi sa wala ang panahon at gastos na ginugol sa paghahabol katulad din ng kaso ng PCGG sa paghahabol sa yaman ni Apo Lakay. Nabasa ko rin po na ma-lapit ng idulog sa Umbodsman ang ika-3 grupong isasakdal sa PDAP Scam…subalit wala pang nangyayari sa nauna. Tama ang sinabi ni Pnoy na suriin ang ibobotong kandidato…pero kung di pinayagang kumandidato ang isang convicted candidate, di sya maiboboto. Maraming di nakakaalam ng salitang convicted. Sa ating Saligang Batas, malinaw na sinasabi na ang isang kandidiato; MUST NOT BE CONVICTED OF ANY CRIME. KULANG PO SA KAALAMAN ANG KARAMIHAN SA ATING MAMAMAYAN. Palasak din po sa atin ang sympathy vote…tulad ng pagkahalal kay Pnoy pagkamatay ng nanay nya at ganun din ang nanay nya. SYMPATHY rin ang nagdala sa kanya… Magandang gabi po, at nawa’y patuloy kayong gabayan sa inyong makatwirang paglalahad ng katotohanan at katuwiran.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *