Friday , October 4 2024

Batang Kalye (Part 17)

COURIER DATI NG ILLEGAL NA DROGA ANG BATANG INAMPON NG MAG-ASAWA KAYA GINANTIHAN SILA

Matapos makuha ang salaysay ng mag-asawa ni SPO3 Ted Reyes ay ipinagtaka niya ang motibo ng sindikato sa pagkidnap sa kanilang anak na si Lyka.

“Dahil lang sa pagkupkop n’yo sa mga batang kalye ay kinidnap ng sindikato ang inyong anak?” nasabi ng imbestigador ng pulisya.

“Lumilitaw na ganu’n nga, Sir… Nagalit sa amin ang sindikato,” ang naipahayag ni Kuya Mar.

Napailing si SPO4 Reyes.

“Nabababawan ako sa motibo…” anito kina Ate Susan at Kuya Mar.

“P-pero ‘yan po ang totoo, Sir…” giit ni Kuya Mar.

“Palalimin pa natin ang pag-iimbestiga sa kaso ng inyong anak,” ang ipinunto ng imbestigador sa mag-asawa.

Halos madurog ang puso ko sa habag kina Ate Susan at Kuya Mar. Parang mabaliw-baliw si Ate Susan sa pag-aalala sa kaisa-isang anak. Panay naman ang pagtatagis ng mga bagang ni Kuya Mar na nagkasugat-sugat na ang mga kamao sa kasusuntok sa dingding ng kanilang bahay at ibabaw ng mesang kainan.

Marahang lumapit si Joel kina Ate Susan at Kuya Mar.

“M-may gusto po akong ipagtapat sa inyo, Ate, Kuya…” aniya sa mag-asawang kumu-kupkop sa amin.

“A-ano ‘yun, Joel?” ang maagap na tanong ni Kuya Mar.

“Tulad ko po noon, ang mga kabataang babae at lalaki na hawak ng sindikato ay hindi lang pinamamalimos sa kalye… Ginagamit din po kasi sila sa pagde-deliver ng droga.”

Napamulagat sina Ate Susan at Kuya Mar. Ako man ay nagulat din sa ipinagtapat ni Joel.

“Kami po nina Kakay at Abigail na kinupkop ninyo ay dating mga courier ng droga ng sindikato. ‘Yun po siguro ang dahilan kung kaya naghihiganti ngayon sila sa inyo,” pangungum-pisal pa niya.

Humingi ng tulong sina Ate Susan at Kuya Mar kina SPO4 Ted Reyes at SPO3 Eva Sanchez matapos sabihin sa kanila ni Joel kung saan matatagpuan ang hideout ng sindikato na posibleng pinagdalhan sa kanilang anak na si Lyka.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

DOST trains 17 Misamis Oriental agri-personnel on product development

DOST trains 17 Misamis Oriental agri-personnel on product development

THE Department of Science and Technology (DOST), with its Mobile Modular Food Processing Facility (MMFPF), …

SM Kids FEAT

Super activities all month round as SM celebrates SuperKids Month

Calling all SuperKids! This month of October, you’re the main character as SM Supermalls invites …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *