Saturday , October 5 2024

Batang Kalye (Part 16)

NAKITA NI ATE SUSAN ANG PAGTANGAY  SA KANYANG ANAK  NG MGA LALAKI SAKA  PINAHARUROT  ANG VAN

Nakiangkas ako sa traysikel na kanyang sinakyan dahil napag-utusan ako ni Kuya Mar na bumili ng isang piyesa ng ginagawa naming sasakyan. Nasa makalagpas lang ng konti ng kinder garten school ang tindahan ng auto spare parts na pupuntahan ko.

Kapag ordinaryong araw ay talagang trapik sa lugar na patutunguhan namin ni Ate Susan. Pero mas grabe ang pagkabuhol-buhol ng daloy ng mga sasakyan nang araw na iyon dahil may taksi at truck na nagkabanggaan daw.

Nasulyapan ko sa relong pambisig ng tricycle boy na mag-a-alas-nuwebe na. Alumpihit na tuloy si Ate Susan sa pagkakaupo sa loob ng aming sinasakyan. Bigla pang nagpula ang traffic lights kaya muli itong huminto. Ilang segundo pa muna ang lumipas bago nagberde ang ilaw-trapiko sa poste. At karaka namang pinaarangkada ng tricycle boy ang minamaneho nitong sasakyan.

Tiyempo ang dating namin ni Ate Susan sa  paglalabasan ng mga batang estudyante na may kanya-kanyang sundo, nanay, tatay o maid. Pag-ibis namin ng traysikel ay natanaw ko ang paglapit kay Lyka ng isang lalaki. Bigla nitong pinigilan sa dalawang kamay ang anak nina Ate Susan at Kuya Mar at saka sapilitang isinakay sa isang van. Nakasigaw pa ng “Mommy” ang anak ng aming mga tagapagkupkop. Pero mabilis ding naisara ang pinto ng van at paharurot itong pinasibad ng driver.

Nasaksihan din ni Ate Susan ang pagtangay sa kanyang anak ng papalayong van. Pero ikinatulala niya ang ‘di inaasahang pangyayari. Nakita ko na parang nawalan ng dugo ang kanyang mukha. Nangatal ang kanyang mga labi na ang tanging naibulalas ay “Ang anak ko…Diyuskupu!”

Pag-uwi namin ng bahay, paos na ang boses ni Ate Susan sa walang tigil na pag-iyak. Paputol-putol niyang naibalita kay Kuya Mar ang naganap na pagkidnap sa kanilang anak. Ikinataranta iyon ni Kuya Mar na hindi alam ang dapat gawin.

Ang unang naging hakbang nina Ate Susan at Kuya Mar ay ipagbigay iyon sa mga maykapangyarihan. (Itutuloy)

ni  Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Piolo Pascual Rhea Tan Beautéderm

PIOLO PASCUAL NAGPAKILIG SA MEET AND GREET SA BEAUTÉDERM HQ,  
Ms. Rhea Tan nagdiriwang ng 15 taon sa negosyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Ultimate Heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual ay …

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

THE Department of Science and Technology Region 12 (DOST XII) officially kicked off the 2024 …

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *