Friday , November 22 2024

Erap, Jinggoy inilaglag ni JV

KAPAG nagkataon matapos ang mahigit 40 dekada ng pamamayagpag sa politika ng angkang Estrada, baka si Sen. JV Ejercito na lang ang matira sa kanila.

Nang pirmahan ni JV ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na dapat kasuhan ng plunder ang kapatid niyang si Sen. Jinggoy, pati na sina Sens. Bong Revilla at Juan Ponce-Enrile kaugnay sa P10-B pork barrel scam, malinaw na inilaglag niya ang kapatid at ang kanilang ‘bugtong’ na amang si ousted president at convicted plunderer Joseph Estrada.

Ngayong pati si JV na mismo ay kombinsidong dapat ngang kasuhan ng plunder si Jinggoy, may mukha pa kayang maihaharap ang kanyang kuya at amang si Erap para gamiting alibi na pinopolitika lang sila ng Malakanyang?

Paano ngayon idedepensa si Jinggoy ng kanyang mga sipsip na loyalist at upahang apologists sa media?

Paki-explain nga sa iyong programa, Karen!

‘PING’ MULA’T SAPOL

MAHILIG SA “SELFIE”

LAGANAP sa buong mundo ang pagkahumaling sa “selfie” o pagkuha ng litrato sa sarili o may mga kasama pang iba.

Pero  itong si rehab czar Panfilo ‘Ping’ Lacson, mula’t sapol ay gumon sa ibang klaseng “selfie,” ang laging pagpuri sa sarili at pagtuturo sa iba kapag may nagawa siyang kapalpakan.

Sabi nga kamakailan ng Oxfam, isang international international aid and development organization, napakabagal ang rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ni ‘Yolanda’ at lalo pa raw lumala ang sitwasyon matapos ang anim na buwan.

Bale ba, isang buwan na lang ay papasok na naman ang tag-ulan, pero libo-libong biktima ang nakatira pa rin sa tent at bunkhouses, habang ang iba’y pinipilit na makapagtayo ng pansamantalang bahay hanggang ngayon.

Kaya bigla niyang pinairal ang pagiging eksperto sa paglilihis ng isyu at parang showbiz kulam-nist na nagpakawala ng blind item na dalawang cabinet officials daw ang humahadlang sa rehab efforts ng kanyang tanggapan.

Matapos kagatin ng media ang pakulo niya, akala mo kung sinong graft buster na isinunod ang pagsawsaw sa isyu ng Napoles list upang sapawan ang ipinuhunang effort ng Blue Ribbon Committee nagsagawa ng imbestigasyon sa Senado.

Pero ang nakapagtataka, mula nang pumutok ang P10-B pork barrel scam issue ay ni hindi yata natin nadinig na kinondena ni Kuya Ping si Janet Lim-Napoles kahit minsan.

Ang masaklap, parang gusto pang gawing bida ng dating senador ang pork barrel scam queen sa pangangalandakan na ipinagkatiwala raw sa kanya ang listahan ng mga naging kasabwat nito.

Hindi kaya pagdudahang kasapakat din ni Napoles si Lacson sa paggamit ng listahan na wala pang pirma para makakuha ng mga konsesyon?

Sakaling totoo na scripted ang Napoles list at nagkasundo sina PNoy, Napoles at Lacson, hindi kaya sa kasong bribery na lang bumagsak ang kaso ng pork barrel scam queen, imbes plunder?

Batay sa Presidential Decree No. 749, na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Hulyo 18, 1975, sa krimen na bribery, ang taong nagbigay ng suhol o regalo sa isang public official o kasabwat sa panunuhol ay maaaring makaligtas sa paglilitis o kaparusahan sa naturang kaso.

Ito ay kung tetestigo ang ‘briber’ o nanuhol laban sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng suhol kung siya ay hindi pa nahahatulan ng hukuman sa ano mang krimen na may kinalaman sa moral turpitude.

‘Pag nagkataon, magiging bayani pa si Napoles at hindi na makukulong bilang susi para makarsel ang mga kasabwat niyang politiko.

Suma-total ng “selfie operations,” bida si Lacson at ito na ang tuntungan niya sa pagsabak sa 2016 presidential polls, may endorsement na ni PNoy, may campaign funds pa galing sa pork barrel scam queen.

HEPE NG TOURISM SA CITY HALL,

FEELING ASAWA RAW NI ERAP

(0926843…May 11) – 16:18:49 “Dear mayor erap, I wish to report to you regarding the abusive sobrang yabang and user n’yong tourism director ms flordelisa villaseñor lahat po kami pinagsisigawan at parang wala kaming alam at sya lang ang matalino pag sumagot ka she would say we will be transferred to bostown and nobody can question her dahil apple of your eyes mo daw siya and atty serapio shes hideous and decieving galing magsalita at magproject na magaling at mabait pero lahat kabaligtaran shes heartless at di makatao na malayo sa pagiging makamasa mo” 16:26:06 “Even ojt na mga bata ay pinagseselosan nya pag lumalapit sa iyo parang asawa ang dating nya kung magalit sana naman ay di totoo yun dahil masyado pong nakakatakot na sya sana po ay matanggal na sya puro pera nasa ulo lahat ay charge sa opisina pati mga pagkain ng bisita at kababayan sa probinsya chargew office of tourism you can check our records mayor sobra na sya sana palitan napo nyo kundi you will go down with her no projects can run without fundung na overpriced na useless pa.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *