Saturday , November 16 2024

Jinggoy kabado, nangangatog na

MATAGAL nang ipinagyabang ni Sen. Jinggoy Estrada na kaya niyang idepensa ang kanyang sarili sa kasong plunder at mangangatog pa raw si Ruby Tuason pag-upo sa witness stand?

Pero tila nag-iba na ang ihip ng hangin at ngayon ay nagpapa-saklolo na si Jinggoy sa Korte Suprema para ipa-tigil sa Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder laban sa kanya sa Sandiganbayan.

Bukod sa hirit na ipawalang bisa ng Supreme Court ang joint resolution ng Ombudsman, gusto rin ni Jinggoy na mag-issue ng temporary restraining order (TRO) ang SC para ipahinto ang paglalabas ng desisyon ng Ombudsman habang hindi pa nagpapasya ang Kataas-taasang Hukuman sa kanyang petisyon.

‘Di na kailangan ni Jinggoy ng kopya ng mga dokumento at ebidensiyang ginamit para masampahan siya ng plunder case dahil matagal nang isinapubliko ng Commission on Audit (COA) ang kanilang special audit report sa PDAF, naglabasan na rin ang mga testimonya ng mga whistleblower at nasa Senado rin ang transcript ng Senate Blue Ribbon Committee investigation sa pork barrel scam.

Huwag na niyang abalahin pa ang Korte Suprema sa kanyang delaying tactics dahil mas marami pang dapat aksiyonan na mahahalagang kaso ang mga mahistrado, isa na ang disqualification case laban sa kanyang amang si deposed president at convicted plunderer Erap Estrada.

Ang masaklap nito, pati ang step-brother niyang si Sen. J.V. Ejercito ay kombinsidong matibay ang ebidensiya laban sa kanya kaya pumirma rin sa rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na dapat siyang sampahan ng kasong plunder sa Sandiganbayan.

Malapit-lapit nang mabawasan ng kliyente ang pangkat ni GOLLUM-NIST, este, columnist cum PR  na may “TANGGAPPAN” sa Intramuros, malapit sa Pasig River.

MASA-MANG PULIS-MPD

SABIT SA ‘HULIDAP’

PITONG pulis-Maynila na nakatalaga sa Manila City Hall Action and Special Assisgnment (MASA) ang nahaharap sa mga kasong unlawful arrest, serious illegal detention, robbery, graft and corrupt practices bunsod ng umano’y pagtangay ng diamonds at kuwarta mula sa isang negosyante.

Todo-depensa ang hepe ng MASA na si Chief Insp. Bernabe Irinco  sa mga bata niyang sina SPO1 Nicanor Zablan III, PO2 Norman Manalansan, PO2 Christopher Silva, PO2 Christopher Razon, PO1 Joselito Abigan, PO1 Jake Balberde at PO1 Abdul Jabbar Alonto.

Batay sa reklamo nina Rowena Bansing, William Tulabing, Glen Goboyan at Hermilie Pinote, pawang mga residente ng Malibay, Pasay City, biglang dumating ang mga pulis nang tangkang itakbo ng isang nagpakilalang asawa ng Japanese ang mga ibinebenta nilang black diamonds sa isang coffee shop sa Robinson’s Place sa Ermita.

Dinala umano silang lahat ng mga pulis sa presinto ng MASA, kinompiska ang tatlong black diamonds na nagkakahalaga ng  P60,000, tatlong puting brillantitos na may halagang P16,000, at P73,340  cash at pinayagan lang makauwi matapos i-withdraw ang P50,000 sa  ATM card ni Bensing.

Paano magiging lehitimong police operation ang pagdakip sa mga “suspect,” pagtangay sa mga dala nilang diamond at pag-withdraw sa  ATM account ng “arestadong suspect” ng mga pulis mo bago sila pauwiin, Chief Insp. Irinco?

Mas angkop ba na tawag dito ay hulidap o huhulihin muna bago holdapin?

Si Chief Insp. Irinco ay hindi lehitimong pulis-Maynila kundi bitbit ng mga Estrada mula sa Eastern Police District.

ANAK NI “YORME”

INAHAS NI VICE

MARAMI ang nasasabik sa pagsambulat ng “sex scandal’ sa isang local government unit sa Metro Manila na mahirap nang ikubli dahil mistulang bulkan na hinog na sa pagsabog.

Hindi kasi umubra ang posturang hoodlum ni “Yorme,” nasalisihan siya ng matulis niyang Vice at tinuhog ang kanyang “unica hija” sa una ni-yang esposa.

Ang balita pa, naulol ang anak ni “Yorme” sa talong ni Vice kaya’t hihiwalayan na ang esposo niyang mula sa prominenteng angkan ng “Kapamilya.”

At ito naman si Vice ay mas nanaig ang “callboy mentality” at handa na rin iwanan ang kanyang pamilya para masungkit ang inaasahan ni-yang “unlimited” na pakinabang sa pamilya ni Yorme, partikular sa aspeto nang pag-angat ng kanyang political career.

Balita nati’y torete na si “Yorme,” may mabi-gat na kaso ang kanyang politikong anak, naanakan pa ng drug addict ang panganay niyang babae sa kabit, ngayon naman ay manugang na pala niyang hilaw ang kanyang Vice na gusto na sana niyang ilaglag sa 2016 elections.

Sadya yatang ipinaglihi sa ulupong itong si Vice dahil ganito rin ang kanyang ginawa sa isang dating konsehala na anak ng kanyang mentor na dati ay tulad niyang vice mayor.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *