Thursday , November 14 2024

‘Pistolero’ ng IAS at barilan sa BoC

MUNTIK nang dumanak ang dugo sa Bureau of Customs (BoC) nitong nakaraang linggo.

Parang segment sa programang “Wow, Mali!” ang naganap noong nakaraang Biyernes nang biglang pumutok ang bitbit na baril ng isang mataas na opisyal ng Aduana.

Sabi ng ating impormante, dumating sa BOC-Import Assessment System (IAS) ang nabanggit na opisyal at ayon sa mga empleyado, narinig nila ang sinabi nito na may gusto raw pumatay sa kanya.

Ikinasa ng opisyal ang bitbit na pistola at kasunod ay umalingawngaw na ang isang malakas na putok.

Nagkaroon ng biglang komosyon, nagtakbuhan ang mga empleyadong nakatalaga sa IAS dahil ang bala na kumawala sa baril ng opisyal ay ilang ulit bumalandra at nagpaikot-ikot sa loob ng opisina.

‘Buti na lang, sa sahig tumama ang bala at walang nadisgrasya.

Nagmamadaling lumabas sa opisina ang naturang opisyal na putlang-putla, daig pa niya ang binuhusan ng suka sa takot.

Ang baril, basyo at slug sa nangyaring krimen ay agad naman naitago ng kanyang close-in security-bodyguard na isang retiradong opisyal ng PNP at dating nakatalaga sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

Hindi malayong magkatotoo ang hinala ni “Atty. Pistolero” na may papatay sa kanya, pero siya rin mismo pala ang posibleng salarin… hahaha!

Dalawang magkahiwalay na insidenteng tulad nito ang natatandaan nating nangyari na rin dati sa Customs sa isang abogado at naging hepe ng IPR at kay “Shotgun Mitchell” ng CIIS.

Kailangan bang may namatay o nasaktan sa naganap na krimen para magkaroon ng imbestigasyon?

Lisensiyado at may kaukulang mga papeles ba ang baril ni “Atty. Pistolero” na dahil sa sobrang kahambugan sa katawan at katangahan ay aksidenteng pumutok, BoC-IAS Director Arnulfo Gambayan?

Customs Commissioner Sunny Sevilla, hindi mo ba paiimbestigahan ang ‘pistolerong’ opisyal mo na muntik nang makapatay sa iyong ahensiya?

SEC. SONNY COLOMA NG PCOO,

NEGOSYANTE O PUBLIC OFFICIAL?

MAY mga opisyal sa pamahalaan na ang pangunahing layunin sa serbisyo-publiko ay gawing puhunan sa negosyo ang puwesto sa gobyerno.

Sa madaling salita, gustong maging negosyante o makinabang sa malalaking negosyo, na laway lang ang puhunan.

May mga nagdududa kung isa sa kanila si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio ‘Sonny” Coloma, Jr., dahil ilang beses nang nahalata ng publiko ang pagkiling niya sa interes ng mga dambuhalang kapitalista, sa halip na pangalagan ang kapakanan ng publiko.

Nariyan ang pagdepensa niya sa maanomalyang joint venture agreement (JVA) na nilagdaan ng dating pamunuan ng IBC-13 at R-2 Builders ni Reghis Romero, hinggil sa 3.64 ektaryang lupain ng IBC-13 kahit lugi ang gobyerno at kinontra ng Commission on Audit (COA), Office of the Solicitor General (OSG), the Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Ayon sa COA, isinuko ng IBC 13 sa R-2 Builders ang control sa government-owned prime land sa halagang P9,999 per sq m, samantalang ang presyo ng mga lupa sa Capitol Hills ay nagkakahalaga ng P35,000 hanggang P65,000 per sq m.

Hindi natin maunawaan kung magkano, este ano, ang ‘bumulag’ kay Coloma para paboran ito, kahit pa nakatengga sa Ombudsman ang kaso laban sa maanomalyang kasunduan na ang inyong lingkod ang nagsampa noong 2011.

“KATAPAT” SA RADIO DWBL

LAGING pakinggan ang mga umuusok na balitaktakan sa mga napapanahong issue at pagbubulgar sa mga katiwalian sa aming programang “KATAPAT” na napapakinggan sa Radio DWBL (1242 Khz.), 11:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi, Lunes hanggang Biyernes, kasama ang inyong lingkod, ALAM chairman Jerry Yap, Rose Novenario, Peter Talastas, Jograd dela Torre at Atong Ma.

***

(Para sa anomang sumbong at reaksiyon, tumawag lamang sa 09174842180, o lumiham sa [email protected])

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *