ni Alex Brosas
KILIG na kilig daw si Sarah Geronimo when she heard Matteo Guidicelli’s “she’s hot” comment.
Although halata raw na kinilig si Sarah when asked to react on Matteo’s comment nang matanong ito tungkol sa short hair niya, hindi na lang daw ito nagsalita pa. Until now ay ayaw pa rin niyang mag-comment about Matteo dahil alam niyang tiyak na kapag nagsalita siya ay tuloy-tuloy na ang questions sa kanya.
Isa pa, aware siyang hindi rin feel ng madir niyang si Divine na pag-usapan si Matteo kaya tikom pa rin ang bibig niya. Alam mo naman si Sarah, masunuring bata.