Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malaking dibdib ni Ai Ai, ‘di sagabal bilang sirena

ni  Roldan Castro

GUMAGANAP si Ai Ai Delas Alas sa Dyesebel bilang sirenang si Banak.

First time ni Ai Ai na gumanap bilang isang sirena.

“Muntik na akong malunod, nakakaloka! Sanay kasi ako sa five feet, tapos inilagay ako sa 10 feet, kaya ayun. Glug, glug, glug!”

Pero nilinaw ni Ai Ai, hindi siya sa mismong taping muntik ng malunod.

“Hindi, hindi sa training ko. Pero nakuha naman ako agad niyong (diving) instructor, as in mabilis niya akong nakuha.”

Ayon rin sa mga taga-ABS-CBN, kompleto sila sa mga diver at first aid staff during their Dyesebel taping para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga artista.

Sey pa ni Ai Ai, hindi naging sagabal sa kanya ang malalaki niyang dibdib sa paglangoy bilang sirena.

“Ay hindi, hindi sila naging pabigat. Sa tubig magaan sila, alam mo ‘yun, dahil sa buoyancy. Spell? Basta buoyancy,” sabay tawa.

At dahil magaganda ang mga aktres na kasama niya sa serye, natanong si Ai Ai kung ano ang feeling niya na napasama siya sa hanay nina Anne Curtis, Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla , Eula Valdez?

“So pangit ako, ganoon?!

“Hindi, okay naman, kasi para ako ang naiiba.”

“’Yang si Anne, baby ko ‘yan, kaya masaya ako na magkasama kami ulit.”

Naging mag-ina sila sa pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo noong 2007. Pero siya ang may pinakamalaking dibdib; doon ba niya ia-outshine ang ibang mga aktres na nasa Dyesebel?

“Hindi na, okay na ‘yun, hindi ko na sila ia-outshine.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …