Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea, ‘pinag-papraktisan’ nina Zanjoe at Bea

ni  Pilar Mateo

PATULOY ang ABS-CBN sa paghubog ng ibang klase ng mga child stars na in the future eh titingalain sa pagsunod sa iniidolo rin nila sa kanilang panahon.

Pinahanga na tayo ng mga gaya nina Nash Aguas, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Raikko Mateo at marami pa kasama na ang bida ng  Annaliza na si Andrea Brillantes.

At ito ang revelation kay Andrea sa #hulingkembot presscon sa palabas na umariba noong Dekada Otsenta at ngayon umalagwa naman sa telebisyon sa loob ng 10 buwan.

Binibigyan ng titulo ng quotable quotes queen (QQQ) si Andrea dahil na rin daw (base sa sabi ng tatay Guido-Zanjoe Marudo) sa mga napupulot nito sa  Instagram.

Para ngang matanda sa kanyang mga pananaw ang katatapos lang mag-celebrate ng kanyang 11th birthday na si Andrea.

May two taping days pa sila para sa pagtatapos ng palabas pero eventually, sa pagiging close niya sa mga nakasama, malamang na magkaroon ng separation anxiety ang bagets.

Madalas na pala kasi itong mag-sleep over sa bahay ng tita Bea Alonzo niya. At pinaliliguan naman siya ng mga regalo ng tatay Zanjoe niya.

Sabi naman ni Zanjoe, hindi pa naman sila nagpa-praktis ni Bea sa pagiging tatay at nanay kay Andrea. Natutuwa lang daw sila sa bagets kaya every now and then, may regalo sila para sa bata.

Natutuwa naman si Andrea. Dahil nakaka-ipon na raw siya ng pera para sa plano nilang pagbili ng bahay soon.

“Nagre-renta lang po kami sa isang condominium. Noong simula po, walang kalaman-laman ‘yung condo namin pero ngayon, napupuno na po.”

Sa mga basher naman niya at ilang nambu-bully sa kanya, napag-aralan na rin daw niya na huwag na itong patulan o pansinin.

Take note sa buwelta sa kanila ni bagets, ”Vengeance is not ours, it’s God’s!”

She’s now a fifth grader sa Ambassador School for Children.

Nasa nasabing press conference ang orihinal na direktor ng orihinal na  Annaliza ng yumaong Julie Vega na si Gil Soriano  at natuwa naman ito sa itinakbo ng istorya ng journey ni Annaliza sa kasalukuyang panahon. Nakita naman daw niya ang mga tamang timpla o elemento para ito mapalapit sa mga tao at tangkilikin sa kanilang time slot.

Sa pagbabalik ni Andrea sa panibagong soap, makakasama na niya ang sinasabi naming mahusay na produkto ng estasyon na sina Zaijan at Xyriel!

Maghahawak-kamay sila!

Science fiction Divergent, matutunghayan na!

ISANG American science-fiction-action film ang nakatakdang mapanood this week sa mga sinehan. Ito ang Divergent na pagbibidahan nina Shailene Woodley, Theo James, Ansel Elgort, Miles Teller, Zoe Kravitz, Jai Courtney, Maggie Q and Kate Winslet.

In a world divided by factions based on human virtues. Tris Prior (Shailene) is warned she is Divergent and will never fit into any one group.

Samahan siya sa paghahanap niya ng mga katotohanan kung bakit mapanganib ang Divergent.

Mula ito sa direksiyon ni Neil Burger at mula sa aklat na akda ni Veronica Roth na nagsimula ng maging best-seller ngayon sa bookstores.

Divergent will have its premiere on Wednesday, March 19, 2014 sa SM-Megamall. Save your seats sa pelikulang kung ilarawan ay nagmula sa dystopian literature.

So, who is divergent to you, ang tanong nila!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …