Monday , December 23 2024

Michael, pangarap ding maging artista (Bukod sa pagiging singer)

 

ni  Eddie Littlefield

SA simbahan nagsimulang kumanta si Michael Pangilinan at the age of eight. Mismong ang father niya ang nagsabing may talent siya sa pagkanta. Hindi lang ballad songs ang kaya nitongawitin. Magaling din siyang mag-rap tulad ng kanyang idol na si Jay-R. Malaki rin ang paghanga ng binata kina Janno Gibbs at Brian McKnight.

At early age, na-realize ni Michael  na puwede siyang maging isang sikat na mang-aawit. Kung pakakatitigan mo ang binata habang nagpe-perform sa stage, guwapo, magaling kumanta at ang lakas ng stage presence. Kailangan lang niya ang self-determination para matupad ang kanyang mga pangarap. Kaya’t todo ang ginawa nitong pagpa-practice para lalong ma-develop ang golden voice.

Sa husay at galing ni Michael as a singer/performer, na-impress agad sa kanya si Jobert Sucalditonang awitin ng binata ang Dance with My Father (Luther Vandross) on stage. Agad-agad kinausap ng movie columnist/ radio announcer/talent manager si Michael para tulungan ito sa kanyang singing career.

“Sobrang thankful ako kay Nanay (Jobert) sa tulong at tiwalang ibinigay niya sa akin. Kinabukasan nga,binigyan agad niya ako ng show,”  kuwento ni Michael P.

Naging finalist si Michael ng X-Factor Philippines at palibhasa kakaiba ang timbre ngboses, naging mentor niya si Martin Nievera. Pumasok siya sa Top 5 kaya lang, marami angnalungkot at nanghinayang nang matanggal ang binata. Nagkaroon pa nga ng issue na may favoritism ang mgajudge.

Hindi man naging winner si Michael, winner naman siya puso  ng kanyang fans at sa mga taong totoong naniniwala sa kakayahan niya as a singer/performer.Tuloy-tuloy ang pag- usad ng kanyang singing career sa tulong ni Joebert. Katunayan, may solo album na siya entitled  Michael Pangilinan, Bakit Ba Ikaw? under Star Records.

Ang balita, pumapalo na ito para maging gold record. ”Sana nga po,five tracks, 2 original songs composed by Vehnee Saturno at tatlong revival songs. Sina Vehnee at NanayJoebert ang namili ng songs for the album. Ngayon nga, kahit marunong na akong mag-play ng guitar, patuloy pa rin akong nag-aaral para lalong mahasa sa pagtugtog ng guitara. Ang masarap ‘yung feeling na nagpi-play ka ng guitar while singing,” aniya.

Pangarap din ni Michael maging artista,hindi pa raw sa ngayon. Kailangan muna niyang mag-focussa pagkanta . Kahit wala pang-regular show, hindi naman nawawalan ng racket ang young ballader.

“On March 22, special guest akosa concert ni Ruby’ Token at Triatrino, Greenhills entitled, ‘My Token of Love’ with Richard Poon, Kuya Germs, Prima Diva Billy. Gusto ko sana mag-artista pero ayaw muna ni NanayJoebert. Unahin ko po muna raw ang pagiging singer. Ito ngayon ang ginagawa ko, kapag nasa bahay, practice lang araw-araw at pakikinig ng mga song na babagay sa boses ko ang ginagawa ko. Siguro kapag may regular show na ako at saka ako kukuha ng voice lesson para lalo akong mahasa sa pagkanta. Ginagawa ko ito for myself at sa family ko, sila ang aking inspirasyon,” turan pa ni Michael P.

Kung sakaling dumating ‘yung panahon na sumikat at nagkapangalan si Michael sa music industry, kakayanin kaya nito ang intriga?

“Sa ngayonpo, wala pa. Kung hindi naman totoo ‘yung intriga, hindi ko na lang papansinin. Pero kung totoo, kailangan ayusin at harapin,” malumanay na sabi ni Michael.

Sagana sa pangaral ni Joebert si Michael para maging matatag ito sa anumang pagsubok na darating sa kanya.”Kailangan maging totoo ka lang. Mag-practice ako nang maige at magtulungan kami ni Nanay.

Maayos po ang samahan namin. Napaka-supportive po niya sa akin. Three years na as a singer, maganda ang takbo ng career ko sa tulong po niya. Bale naka-apat na major concert na poako, tatlo sa Zirkoh at isa sa Library, Metro Walk, Ortigas last Feb 12. Nagkaroon po  uli ako ng show sa Library, Ortigas last March 15.,” pagwawakas na sabi ng versatile singer, Michael Pangilinan.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *