Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wally, naiilang nang magpatawa?

ni  Rommel Placente

BUMALIK na sa Eat Bulaga si Wally Bayola pero parang hindi na rin naman napi-feel ang presence niya sa nasabing nootime show ng GMA 7.

Kahit balik-Juan For All..All For One segment na rin siya with Jose Manalo and Paolo Ballesteros ay parang hindi na rin naman siya host dito. Madalang na lang siyang magsalita. Sina Jose at Paolo na lang ang madalas nagsasalita sa kanilang segment. Parang sila lang ang host ditto.

Ang napansin din naming, parang hindi na makapagpatawa si Wally, parang naiilang na rin siya dahil nga sa kinasangkutan niyang sex video with former member of EB Babes na si Yosh.

At isa pang napansin namin, hindi na ganoong mainit ang pagtanggap sa kania ng tao sa bawat baranggay na pinupuntahan nila.

Sayang si Wally, bigla tuloy nangulimlim ang maganda na sana niyang career. Pero sana ay mabigyan pa siya ng second chance sa showbiz. Inamin naman niya ang kaniyang pagkakamali, ‘di ba?  Everybody deserves a second chance naman ‘di ba? Sayang si Wally mahusay siyang komedyante. Kaya deserve niyang manatili sa industriya para makapagpasaya pa ng mga tao.

Mga bigating aktres, maglalaban-laban sa Golden Screen TV Awards

SA darating na Golden Screen TV Awards ng Enpress Society ay nominado for Outstanding Performance by An Actress in a Drama Series sina Bea Alonzo (A Beautiful Affair/ABS-CBN 2), Carla Abellana (My Husband’s Lover/GMA 7), Gina Alajar(Hiram na Puso/GMA 7), Jodi Sta. Maria (Be Careful with my Heart/ABS-CBN 2), Kim Chiu (Ina, Kapatid, Anak/ABS-CBN 2), Lorna Tolentino (Pahiram ng Sandali/GMA 7),Maja Salvador (Ina, Kapatid, Anak/ABS-CBN 2), Marian Rivera (Temptation of Wife/GMA 7) and Ritz Azul (Misibis Bay/TV5).

Sino kaya sa kanila ang mananalo o papalaring mag-uwi ng Best Actress trophy? ‘Yan ang ating aabangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …