Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wendell, kontrabida kay Ogie

ni  Reggee Bonoan

MASAYA si Wendell Ramos dahil hindi pa man natatapos ang Madam Chairman ay may kapalit na kaagad, ang Confessions of A Torpe nina Ogie Alcasid, Alice Dixson, Gelli de Belen at iba pa.

“Ito ‘yung makakapalit ng ‘Madam Chairman’,” pakli ni Wendell.

Love-interest ni Wendell si Sharon Cuneta sa Madam Chairman pero nawala siya at ipinasok si Richard Gomez, “hindi na kasi akma sa age gap kaya kinuha nila si Goma, pero malinis naman ‘yung relasyon namin doon ni Madam Chairman,” paliwanag ng aktor.

Pero sa Confessions of A Torpe ay mahaba ang papel ni Wendell dahil kontrabida siya ni Ogie na parati niyang binu-bully.

Dekada 80’s daw ang peg ng Confessions of A Torpe na nagte-trending ngayon sa social media maski hindi pa napapanood kaya natutuwa naman ang aktor.

At ang kuwento raw ng programa, “nanggaling kasi sa late 80’s ang concept ng show. Hindi ko rin alam kung ano ang epekto sa show kasi ang ipinakikita ‘yung flashback, high school palang kami noon at binu-bully ko na si Ogie, pero ‘yung story itself, diretso talaga sa present.

Ang nililigawan daw ni Ogie noong hay-iskul sila ay si Monique (Alice) na nililigawan din ni Wendell at hindi sila nagkatuluyan dahil umalis at muling nagkita sa present.

“Bumalik si Monique sa present, tapos ako na ‘yung boss sa kompanya at si Tupe (Ogie) naging empleado ko siya. Kaya binu-bully ko pa rin si Ogie.”

Naging torpe ba noong kabataan niya si Wendell?

“Hindi yata, pero nasubukan kong mabasted kasi bata pa ako noon at siguro nahalata ng girl na hindi ako seryoso, so binasted ako.  Isang beses lang naman,” natatawang kuwento ng aktor.

As of now ay naka-dalawang linggong taping na ang Confessions of A Torpe at sa Marso 1 na sila eere kaya ngaragan sila ngayon, say ni Wendell.

Sa bahay lang nag-celebrate ng Valentines Day si Wendell, kasama ang pamilya niya at long time girlfriend, “ma-trapik at maraming tao kaya sa bahay lang kami, nagluto ako ng sinigang at siya (girlfriend) ay nagluto ng pasta, so dinner kaming lahat pamilya kasama parents namin, so ganoon namin isinilebreyt ang Valentines Day,” saad ng alaga ni Perry Lansigan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …