Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tampuhan nina Vice at Karylle, lumala na! (Dahil sa hindi pa rin nag-uusap…)

ni  Reggee Bonoan

TRULILI  pala ang tsikang may tampuhan sina Vice Ganda at Karylle na akala namin ay biro-biro lang o gimmick kasi nga ikakasal na ang dalaga sa susunod na buwan.

Taga-Showtime mismo ang nagtsika sa amin na seryosohan na at ‘pag hindi nakapag-usap ang dalawa ay baka mas lalong lumala.

Nagsimula raw ang tampo ni Vice kay Karylle ng hindi dumalo sa blow-out niya, “kasi inindiyan ni Karylle si Vice nang mag-blow out siya (nakalimutan namin kung para saan ang blow-out). Kasi may lakad daw kuning.

“So, nagtampo si Vice.   Okay na sana, kaso may nagparating sa kanya (Vice) na sinabi raw ni Karylle na naiilang siya at may hinampo rin siya dahil bakit daw siya inila-loveteam sa isang bading, siyempre, naloka si Vice.”

Nakakunot ang noo namin habang nakikinig sa kuwento dahil base sa pagkakakilala namin kay Karylle ay wala kang maririnig na salita sa kanya lalo na sa mga kaibigan niya.

Naalala pa namin dati na maski na anong pambu-bully namin sa kanya ay wala kaming naririnig na sagot na hindi maganda lalo na noong kainitan ng isyu nila ni Dingdong Dantes at kami pa ang nahihiya kasi puro ngiti lang lagi ang reaksiyon niya, sabay sabing, “si Ms Reggee talaga.”  So hihirit pa ba kami, ateng Maricris?

Dagdag tsika pa ay naloka raw si Vice kay Karylle, “siyempre, na-shock si Vice, kasi bakit may ganoon ang isyu? Eh, ang tagal na nilang magka-loveteam at click pa, bakit ngayon lang nagre-react si Karylle?

“Baka naman hindi galing Karylle kundi galing kay Yael (Yuson), siyempre lalaki ‘yun, parang nakaka-insulto na sa bakla ipina-partner ang babaeng mapapangasawa niya sa susunod na buwan?

O, well, dapat sigurong iklaro na ito ni Karylle bago lumala ang tampuhan nila ni Vice at ikakasal na siya sa susunod na buwan ‘no!

Ano ba ang nangyayari sa mga Showtime host?  Parati silang may mga isyu na inuumpisahan dati ni Vice noong nakaraang taon nang mag-concert siya, sinundan ni Anne Curtis, tapos si Vhong Navarro, at bumalik kay Vice na sumabit pa si Karylle. Sino kayang susunod?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …