Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong, suportado ni Lloydie

ni Roldan Castro

NAGSALITA na si John Lloyd Cruz sa pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu kina Vhong Navarro at Cedrick Lee. Sinabi ng Home Swettie Home star na kilala niya si Cedrick dahil noong time na sila pa ni Shaina Magdayao ay naabutan niya raw ‘yung relasyon noon ni Vina Morales at ng nasabing kontrobersiyal na negosyante.

“Kilala ko ‘yun kasi nga when I was still with Shaina, parang inabutan ko pa ‘yung relasyon nila ni Vina, eh. Well, I don’t know kung ganoon kalinaw ‘yun pero nakikita ko siya (Cedrick) sa family gatherings nila (Shaina), parang on a regular basis, nakikita ko siya,” sey ni JLC.

“Tumatakbo na ang kaso nila, I think it’s best na huwag na lang akong magbigay ng kahit anong. . .kasi hindi naman importante ‘yun, wala na akong dapat sabihin tungkol diyan,” bulalas pa niya dahil sensitibo raw ang kaso.

“Ako naman, hindi nagkukulang ng pagsasabi sa kanya (Vhong) na ‘o, nandito ako’, kaming mga kaibigan niya. Regular kaming nakakapag-usap. Kanina, magka-text kami. Masayang-masaya ako na nakauwi na siya,” dagdag pa ni Lloydie.

Klinaro rin ng Home Sweetie Home actor ang tungkol sa lumabas na item na nakita raw sila ni Coco Martin sa isang bar.

“Nagkaroon kasi ng party after the trade event. May party ‘yung unit ni Deo Endrinal, ni  Sir  Deo and nagkita kami roon. Nag-catch up,” saad pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …