Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, happy at excited kay Coco

ni Rommel Placente

FOR the first time ay magsasama sa isang pelikula sina Sarah Geronimo at Coco Martin. Isa itong light drama mula sa Star Cinema na wala pang naiisip na title.

Nagkatrabaho na noon sina Sarah at Coco sa musical comedy-drama series ng ABS-CBN na Idol. Ito bale ang second time na magtatambal sila pero sa isang pelikula naman.

Happy si Sarah na may bago na naman siyang pelikula na magkakaroon siya ng chance na makatrabaho ang mga hindi pa niya nakakatrabaho at magkakaroon uli siya ng chance na makatambal ang tinaguriang King of Teleserye.

“I’m happy syempre kasi may maganda na naman tayong proyektong gagawin sa Star Cinema at may mga bago po akong artistang makakasama. Excited po ako na may bago ring director kong makakasama, si Direk Jerry Sineneng.

“Of course, makakasama ko uli si Coco after niyong ‘Idol’ na musical teleserye namin dito sa ABS-CBN. Second project na pagsasamahan po namin, this time sa big screen na, mas malaki ang chance na magkasama kami uling dalawa. At the same time marami akong matututuhan sa proyektong ito with Coco at kasama ko pa po si Ms. Ruffa (Gutierrez),”sabi ni Sarah.

Ai Ai, masama pa rin ang loob kay Kris?

MUKHA yatang masama pa rin ang loob ni Ai Ai delas Alas sa BFF niyang si Kris Aquino, huh! Nang kamustahin kasi sa kanya si Kris sa isang interview, ang sagot niya ay huwag na lang daw pag-usapan ang presidential daughter.

So, obvious na masama pa rin ang loob niya kay Kris dahil hindi nito nagawang magpunta sa burol ng nanay niya noong namatay ito. Na that time naman kasi ay nasa ibang bansa si Kris. Nagbakasyon siya kasama ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …