Saturday , November 16 2024

Unang Aray (Memorabol kay Inday) (Part 6)

NABIGLA AKO NANG PAMEYWANGAN AKO NI INDAY SABAY SITA BAKIT GUSTO KONG MAPANAGINIPAN

Paano ba naman, langhap ko kasi ang preskong bango ng kanyang buhok na nililipad-lipad ng hangin. Muntik na tuloy akong malaglag sa aking kinauupuan. Oh, Inday!

Halos gabi-gabi, makaraang makapag-hapunan sa puwesto ni Inday, ay kinakarir ko na nang todo ang pagtulong sa pagpapatung-patong ng mga silyang plastik at pagsasara sa mga tablang dahon sa dalawang panig ng tindahan. At sa umaga ng mga araw ng Linggo, pagiging kargador naman ang pinapapel ko. Iba’t ibang dahilan ang ikinakatuwiran ko kay Inday kung paano akong napadpad sa erya ng Trabajo Market. Hindi ko lang tiyak kung kre-dibol ang aking mga palusot sa kanya.

Kinagabihan nang araw na ‘yun ay nag-text akong muli kay Inday. Nagpalitan kami ng mga text message. Kumustahan uli sa simula. Pagkaraa’y kung ano-ano na ang aming pinag-uusapan. Pero maraming pampersonal na mga bagay-bagay ang nalaman namin tungkol sa isa’t isa.  Tapos pala si Inday ng Culinary Arts at dating nagtatrabaho sa isang malaking hotel sa Kyusi. Kapwa public school teacher ang mga magulang niya.

Tulad ko’y solong anak din siya. Bukod sa pagbabasa, hilig din niya ang kumanta at maggitara. Hindi siya mahilig sa matatamis, gaya ng tsokolate pero matakaw raw siya sa manggang hilaw.

Sa huli, “Goodnight, sweetdreams” ang iti-next ko kay Inday.

“Good night and sweetdreams, too” ang reply niya.

Nagpahabol pa ako ng “Thanks. Ikaw sana ang mapanaginipan ko.”

Kinabukasan, pagpasok ko sa karinderya ay hindi ako makatingin nang diretso kay Inday. Parang may sabit kasi ang pinakahuling text ko sa kanya kagabi. Tuloy-tuloy ako sa paborito kong puwesto. Mabilis na idinulot sa akin ng silbidora ang itinuro kong menu. Mag-aala-siyete na ng gabi. Tulad nang dati, sinimulan na ng matandang babae ang pag-iimis at pagliligpit sa mga kasangkapan at gamit ng tindahan. Wala nang kostumer doon maliban sa akin na huling binigyan ng order.

Noon lumapit sa akin si Inday. Nang mag-angat ako ng mukha, nakapamewang na siya sa harap ko.

“Ba’t gusto mo ‘kong mapanaginipan?” aniya, matigas ang tinig.

Patay! Galit si Inday. Natameme ako at muntik mabulunan.

“At sa panaginip, ano ang eksena nating dalawa, ha?” sabi ni Inday, medyo nanunulis ang nguso. “X-rated?”

“A, e…” ang tanging lumabas sa bibig ko. Na agad sinundan ni Inday ng “I, O, U.”

Lalo tuloy nablangko ang isip ko. At pakiwari ko’y nawalan ako ng dugo sa mukha sa pagkahiya.

Pero biglang natawa si Inday.

“An’dali mo palang ma-rattle sa konting intimidasyon lang,” aniya sa pagtatawa. “Joke lang!” (Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *