BINIGYAN ng anti-depressants ang mga penguins na dumaranas ng winter blues sa Scarborough Sea Life Centre.
Maging ang South American seabirds ay nalulungkot na rin dahil sa British weather kaya naman bumaling ang staff sa medikasyon upang maiwasan ang higit na seryosong sintomas, ayon sa ulat ng York Press.
“Humboldts in the wild on the coast of Peru and Chile can be subjected to some pretty wild extremes of weather,” pahayag ni display curator Lyndsey Crawford.
“What they don’t get though is weeks of almost daily downpours and high winds. After the first week our birds were just a bit subdued, but after over a month now they are thoroughly fed up and miserable, much like the rest of us.”
Ito ang unang pagkakataon na binigyan ng gamot ang mga penguin mula noong Abril 2011 nang sila ay mabulabog ng tatlong lalaking pumasok sa kanilang kulungan at sila ay itinaboy.
“They’re doing the trick so far, but we are all praying for the weather to change and at least a few successive days of sunshine to give the penguins the tonic they really need,” dagdag pa ni Lyndsey. (ORANGE QUIRKY NEWS)