Hello po sir senor panaginip,
nanaginip po kc ako kc po yung kaklase kong lalaki na hinawakan nya kamay ko pangatlong araw ko na po sya napapanaginipan at dahil dun naging crush ko sya ako nga po pala c mariel salamat po (09396308211)
To Mariel,
Kapag napanaginipan ang iyong kamay, ito ay nagre-represent ng iyong relationships sa mga tao sa paligid mo at kung paano ka kumokonekta sa mundo. Ang kamay ay nagsisilbing bahagi o anyo ng komunikasyon at maaaring sumi-simbolo ng ukol sa authority, hate, protection, justice, et cetera, depende sa gesture nito. Kapag nanaginip na nakikipag- holding hands with someone, ito ay nagsasaad ng ukol sa love, affection, at ng iyong koneksiyon sa taong iyon. Posible rin na may kaugnayan ito sa mga agam-agam na mapalayo sa iyo ang taong iyon o mawalan kayo ng komunikasyon.
Ang tungkol naman sa crush mo, ito ay nagpapakita ng literal na repleksiyon ng iyong atraksiyon sa taong crush mo. Normal lang ang ganitong bagay na mapanaginipan ang iyong crush, dahil kung lagi siyang laman ng iyong isipan, na-tural na napakalaki ng posibilidad na mapanaginipan mo siya. Pero dahil ikaw ay nag-aaral pa at posibleng bata pa, mas mabuti kung huwag mong madaliin ang ukol sa iyong lovelife at mas mabuti kung pag-aaral muna ang pag-ukulan mo ng pansin bilang paghahanda sa iyong kinabukasan.
Señor H.