Friday , November 15 2024

Genuine party-list isinusulong ng Makabayan Bloc

00 Bulabugin JSY
MATUTUWA ang marami at tunay na marginalized  sector kapag napagtagumpayan ng MAKABAYAN BLOC ang kanilang isinusulong na ‘pagpupurga’ sa PARTY-LIST SYSTEM.

Sa mga nagdaang eleksiyon na may party-list, kapansin-pansin na ang mga nominees ay ex-gov’t officials, PNP and AFP officials, mga congressman na nag-last term na at nais manatili sa Kongreso, mga miyembro ng mayayaman at malalaking pamilya na mayroong malaking interes sa negosyo, mayroon pa ngang mga notorious  na gambling lord habang ang iba naman ay mayroong interes sa malalaking raket sa gobyerno.

Umaasa umano ang Makabayan bloc na matutuldukan ang pang-aabuso ng mga ganid sa kapangyarihan at matitigil na rin ang pambababoy sa party-list system.

Ayon kina representatives Neri Colmenares (Bayan Muna), Carlos Isagani Zarate (Bayan Muna), Luzviminda Ilagan (Gabriela), Emmi de Jesus (Gabriela), Antonio Tinio (ACT-Teachers), Fernando Hicap (Anakpawis) at Terry Ridon (Kabataan), dapat matiyak na marginalized at under represented sector sa lipunan ang tanging kwalipikado sa party-list.

Sa House Bill (H.B.) 179 na tatawaging Genuine Party-List Group and Nominee Act, dapat dumaan sa public hearing na isasagawa ng Commission on Elections ang lahat ng grupo na gustong mapabilang sa party-list kung sila nga ay marginalized at underrated sectors.

Nais din amyendahan o baguhin ng nasabing House Bill ang Section 9 ng Republic Act 794, na magdidiskuwalipika sa mga party-list nominee na dating mayor, vice-mayor, governor,  congressman, senator, vice-president at president.

Hindi rin puwedeng inomina ang sinomang may kamag-anak sa ikatlong antas (third degree), o may relasyon sa nakaupong government officials.

Bawal rin maging nominee ang mga naging Gabinete, Provincial Director ng PNP, commander ng AFP o anomang mataas na posisyon na kanilang ipinaglingkod sa pamahalaan, pati na ang sinoman na may mas mataas na suweldo kaysa sahod ng party-list congressman.

Malinaw, obhektibo ang mga patakaran at layuning ‘yan.

Sa party-list system ay kitang-kitang ang tatsulok sa lipunan. At ang tatsulok na ito ay nasusuhayan pa ng matinding 3-M DIVISION d’yan sa Commission on Elections (Comelec).

Habang nagsisikap ang marginalized sector na pumarehas, kung hindi man makayanan na tuluyang baliktarin ang tatsulok sa lipunan, mas lalong naging doble o triple ang pagsisikap ng mga tinatawag na ‘naghaharing uri’ para kopohin ang isang sistema na magluluklok sa mga tunay sa lingkod ng bayan.

Nakukuha na nila ang regular seats sa Kongreso pero hindi pa masiyahan kaya pati ‘yung para sa party-list ay gusto pang kopohin.

Anyway, gusto po natin magtagumpay ang batas na ito sa KONGRESO.

ALAM na alam po natin na malaki ang pangangailangan na maisulong ito sa Kongreso!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *