Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paano sumikat sina Jennylyn, Wang Lin, at Marlene?

NGAYONG Sabado, 9:00 a.m. ay tutukan ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) sa GMA News TV dahil may interbyu sa tatlong sikat na babae si Mader Ricky Reyes.

Paano nga ba sila nagsimula sa kani-kanilang larangan? May sad experience ba sila noong nasa itaas at kilala na sila ng publiko?

Dadalawin ni Mader Ricky ang set ng Rhodora X para interbyuhin si Jennylyn Mercadona marami nang pingdaanan sa buhay mula nang magwagi bilang Ultimate Female Champion ng unang Starstruck Reality Search.

Bonus ang ilang sandaling pagpapaunlak ng kalabtim ni Jen na si Mark Herras na magsasaad ng kanilang masalimuot na galit-bating relasyon noong kanilang kabataan.

Ang ikalawang popular na babae na makakatsika ng host-producer ng GRR TNT ay ang Chinese singing superstar na si Wang Linna dumalaw sa kanyang mga kababayang Tsino na sa Pilipinas na naninirahan at nag-celebrate ng Chinese New Year.  Sasamahan ng GRR TNT crew si Wang sa pagbabakasyon n’ya sa Movenpick Resort sa Mactan, Cebu.

Sa Japan naman itinanghal na supersinger si Marlene dela Pena. Roon din siya nakapagpundar ng kabuhayan. Pero, alin ba ang mas masarap pakinggan? Ang palakpak ng mga banyaga o ng mga kababayan? Ito ang isa sa mga tatalakayin niya with Mader.

Samantala, mapapanood sa show ang full coverage ng final at gala night ng mga nanalong Mr. and Ms. Sogo Hotel Ambassadors 2014 na ginanap sa Elements of Centris sa Quezon City noong Enero 30.

Lahat ng ito sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …