Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iwa, goodbye na sa showbiz

ni  Nene Riego

NOONG time na malapit sa ’min ang half-Japanese half-Pinay na young and sexy aktres na si Iwa Moto ay knows na naming mahilig siya sa bata.

Siya ang nagpaaral sa younger siblings at kapag may sosyalang pang-campus ang mga ito’y siya ang dumadalo dahil nasa Cebu ang kanyang madir at stepfather.

Nang maging sila ni Mickey Ablan (na ngayo’y dyowa na ni Janna Dominguez) ay itinuring niyang anak ang daughter ng bf kaya super-bonded sila at matunog na Mommy ang tawag sa kanya ng bata.

Ngayo’y may sarili nang anak si Iwa (kay Pampy Lacson na ex-dyowa ni Jodi Sta. Maria) at enjoy siya sa motherhood. Will she be contented na maging madir at live-in partner?

“Ito pala ang pangarap ko. Ang magkaroon ng matahimik sa masayang pamilya. Ayaw ko nang magsyobis,” sey niya.

Ngayong annulled na ang marriage nina Pampy at Jodi, may wedding bells na ba tayong mababalitaan?

“’Di po namin ‘yan pinag-uusapan sa ngayon. At saka na lang. Ang mahalaga’y maligaya kami,” sabi niya.

Kung sabagay, medyo nga may problema ang kanyang karir. Hindi pa tapos ang kontrata niya sa Kapuso Artist Center ay umapir na siya sa ilang show ng Kapatid. Nag-isyu ng warning ang Siete na kapag patuloy na lumabas siya sa ibang network na walang pahintulot ay makakasuhan siya ng breach of contract, ganoon.

Walang Tulugan ni Kuya Germs, 18 taon na!

SI Kuya Germs pala ang personal na namimili sa Divisoria (kasama ng set designer na si Val) ng mga palamuti every Saturday night sa  Walang Tulugan With Master Showman.

“Ang ginagasta ni Kuya Germs ay ‘di gastos ng network. Galing ito sa sarili niyang bulsa,” sabi ng isang lady reporter na matagal nang ka-close ng dakilang starbuilder.

Sa pagsapit g ika-18 anibersaryo ng Walang Tulugan ay star-studded na naman ang kada Sabado ng February. At siyempre, makikinang at puno ng glitters ang kapaligiran ng studio 6 na idinaraos ang programa.

Dalawa sa co-hosts ni Kuya Germs sa show ay alumnae pa ng That’s Entertainment at GMA Supershow na sina Jean Garcia at Shirley Fuentes. Siyempre, worth mentioning na sa mga kamay ng master showman nahubog sina Lea Salonga, Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Ara Mina, Dawn Zulueta, Lani Mercado. Sheryl Cruz, Manilyn Reynes, Tina Paner, Lolot de Leon, Ramon Christopher, Romnick Sarmenta, Harlene Baustista, atbp..

Mabuhay ka, Kuya Germs!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …