Monday , December 23 2024

Modernisasyon ng Orthopedic itinuturo ng gov’t sa pribadong sektor

00 Bulabugin JSY

NATAPOS na ang panahon ng magagaling na technocrats sa gobyerno.

Kung dati-rati ay ipinamumulat ng gobyernong Pinoy sa lahat ng mamamayan, mula bata hanggang matanda ang kahalagahan ng self-reliance  para sa pagbangon o pagpapatatag sa sariling kabuhayan, ngayon ang iginigiit ng mga pinuno ng bansa ay ituro sa private sector ang anila’y ‘pagliligtas’ sa Philippine Orthopedic Hospital.

Naghain na ng petisyon sa Supreme Court ang mga mambabatas na nasa Makabayan bloc, mga indigents na pasyente at iba pang health  professionals para pigilin ang pribatisasyon ng nasabing ospital.

Noong nakaraang Disyembre 2013, ang P6-bilyon kontrata  para i-upgrade ang state-run hospital ay ipinagkaloob sa Megawide.

Ito rin ang kompanyang nakakuha ng tatlo pang proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) projects.

Sa ilalim ng concession, itatayo ng Megawide ang bagong orthopedic hospital na may kapasidad na 700 beds at ang bagong site nito ay itatayo sa compound ng National Kidney Institute (NKI) sa Quezon City.

Tinututulan ng mga petitioner ang nasabing konsesyon dahil umabot lamang sa 70 charity beds ang ilalaan nila para sa mga indigent.

Mismong ang union ng mga empleyado at manggagawa sa nasabing ospital ay hindi naniniwala sa paliwanag ng gobyerno.

“Ang partikular na sinasabi na walang pera ang gobyerno, walang expertise ang gobyerno para magpatakbo ng ospital pero hindi po kami kumakagat sa ganoong mga kasinungalingan,” ani National Orthopedic Hospital Workers Union President Sean Velchez.

Kapag pinayagan umano ng mamamayang Filipino na maituloy ng concession ang nasabing proyekto, tiyak na lalong  tataas ang bayarin kaya lalong mawawalan ng puwang ang mahihirap na magpagamot sa nasabing ospital.

Dagdag ni Velchez, “Ito ay binansagang poor man’s hospital. Hindi po kami kontra modernisasyon. Kung meron mang mga taong gustong i-modernize at mahal na mahal ‘yung orthopedic kami po ‘yun. Ang tanong lang e sino ba dapat ang magpopondo ng modernisasyong ito. Sa aming palagay, obligasyon ng pamahalaan ang maglaan ng sapat na budget para sa modernisasyon.”

Naniniwala po tayo d’yan.

Bakit nga ba kailangan ‘ibigay’ ng pamahalaan ang operasyon ng ating mga public hospital sa pribadong sector?!

Naniniwala tayo na ‘yan ay isang pagpapakamatay para sa sektor publiko.

Hindi natin maintindihan kung bakit nakasalaksak sa utak ni Health Secretary Enrique Ona na ang pagpapapasok sa pribadong sector sa ating mga ospital ay magbibigay umano ng mas mabuting serbisyo.

“Yung ating mga mahihirap na ngayon ay pumupunta sa Philippine Orthopedic hospital e minsan 20 days bago maoperahan. Ito ang gusto nating maayos. Ito’y isang paraan na makaaayos ng ating mga lumang ospital na nangangailangan ng malaking pondo, na pwedeng maayos natin. Hindi lang pondo ang kailangan kundi pati rin pagpapatakbo ng ospital,” super paliwanang ni Secretary Ona.

Sa ‘magkano’ este anong paraan Secretary Ona?!

Mababaw at napaka-unscientific ng paliwanag ni Secretary Ona.

Parang inamin na rin ng administrasyon ni PNOY na bangkarote ang gobyerno sa panahon ng kanyang pamumuno.

Mantakin ninyo, sa nasabing concession ay nakasaad na pamamahalaan ng Megawide ang Orthopedic hospital sa loob ng 25 taon …

After 25 years, ano na ulit ang hitsura ng Orthopedic? Mayroon bang study na after 25 years ay magkakaroon na ng kakayahan ang ospital na mag-upgrade ng facilities, iba’t ibang laboratory machines at magbigay ng state-of-the-art health services sa sambayanang Pinoy?!

O baka naman after 25 years ‘e balik sa dating hitsura ang Orthopedic hospital?!

Mga kababayan, sama-sama po nating TUTULAN ang privatization ng mga ospital dahil sa totoo lang hindi ito pakikinabangan ng mga mamamayan (lalo na ng mahihirap) na tunay na nangangailangan ng kalingang medikal.

Malaking bagay po iyan para sa mga susunod na henerasyon.

Tandaan po natin na ang KALUSUGAN ay batayang karapatan ng bawat mamamayan at mayroong responsibilidad ang bawat isa sa atin na maipagkaloob ito nang tama at naaayon sa batas sa lahat ng mga nangangailangan.

Irehistro po natin sa ano mang paraan ang pagtutol sa pribatisasyon ng alinman pampublikong ospital.

Tutulan ang Ortho-PAID-dic!!!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *