Saturday , November 16 2024

Lessons in Love: Rule No.1: Love Yourself

00 try me francine prieto

Hi Ms. Francine,

Help me naman, meron akong boyfriend na nasa Guam. Ilang months palang ang relasyon namin. Masaya kami kahit long distance relationship hanggang nitong Lunes binagsakan niya ako ng phone. Hanggang nga-yon hindi pa rin kami nag-uusap, hindi ko alam kung saan siya nagalit. Nagsimula lang ‘yun sa usapan namin na sexy daw ang babaeng naka-dress, dahil mataba ako na-insecure ako kaya sinabi kong humanap na lang siya ng ibang babae tapos ‘yun na, binagsakan niya ako ng phone. Samantalang siya tanggap ko naman kahit may polio siya. Ano pong dapat kong gawin?

DONNA

 

Dear Donna,

Ilang taon na ba kayo? Dahil parang bata kayong nag-aaway. Lahat naman ng relasyon sa umpisa masaya kasi nagkikilanlan pa kayo, pero kapag tumagal na, roon ninyo malalaman ang tunay na ugali ng bawat isa, nagsisimula na lumabas ang mga topak, sapi, sanib at maaaring maging conflict na mauwi sa away at minsan sa hiwalayan.

Hindi porke’t tinanggap mo na may kapansanan siya ay ibig sabihin dapat tanggap niya rin ang insecurities mo, kaso hindi lahat ganoon. Naiintindihan ko ang punto mo.

Bago ka pumasok sa kahit anong relasyon, dapat matuto ka munang mahalin ang sarili mo, tanggalin mo ‘yang insecurities sa katawan mo dahil ‘yang insecurities na ‘yan ang magi-ging simula ng lahat ng hindi ninyo pagkakaintindihan.

Hindi porke’t mataba ka ay wala ka nang karapatang mag-dress, kung nahihirapan kang bumili ng damit o hindi mo gusto ang nakikita mong hitsura sa salamin, bakit hindi mo baguhin ang sarili mo? Tama na ang mga palusot, simulan mong mag-diet at exercise para rin magkaroon ng self-confidence at tuluyan nang maglaho lahat ng insecurities mo.

‘Yung boyfriend mo, malakas din ang insecurities niya dahil sa polio niya pero maaaring nawala ‘yun mula nang tinanggap mo siya at minahal mo siya. Silang may mga kapansanan madalas ay sobrang sensitive kaya dapat ay maingat ka sa bawat binibitiwan mong salita, kahit nga sa normal na tao ganoon din, di ba?

Kung ayaw ka na niya kausapin ay magandang magpadala ka ng email humi-ngi ka ng sorry, tanggapin mo ang pagkakamali mo at sabihin mo sa kanya ‘yung tunay na nararamdaman mong hindi ka niya kinakausap at ano bang gusto mong mangyari? Bigyan mo ng isa hanggang dalawang linggo kapag hindi sumagot, well kailangan mo nang mag-move on. Hindi lang diyan nagtatapos ang buhay at sana ay maging lesson nalang sa’yo ang relasyong ito. Good Luck.

Love, Francine

***

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at na-research. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected] or text me 0939-9596777

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *