‘YANG mga kwestiyon na ‘yan ay hindi nawawala at patuloy na umiinog sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Lalo na nitong nakaraan na mismong sa Maximun Security Compound ng NBP naganap ang pagkakapaslang sa isang miyembro ng Genuine Ilocano (GI) ng isang miyembro ng Batang City Jail (BCJ).
Hindi ba alam ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayu na laging may nagaganap na away sa pagitan ng iba’t ibang gang?
Kung bakit matindi ang away?!
‘Yan ay walang iba kundi dahil sa droga, mga tilapia at ang racket sa operated battery motorbikes.
D’yan lang po yata natin nakita sa NBP na walang konsepto ng rehabilitasyon para sa mga bilanggo.
Matagal-tagal ka na rin naman d’yan Director Bucayu, hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin KAPADO ang pasikot-sikot ng buhay-buhay ng mga preso sa Maximum Security?
Aba ‘e kung hindi mo kayang disiplinahin ang mga bilanggo d’yan, e palagay natin ay dapat mo nang pag-isipan kung paano mag-exit nang dahan-dahan d’yan sa NBP.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com