Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

just Call me Lucky (Part 39)

 

ORANGUTAN HIT SQUAD NI MR. GENIUS SAGING LANG ANG KATAPAT

Napakamot ako sa ulo. Mas matalino si Mr. Genius kay Macky pero hindi sila magkalinya ng prinsipyo. Kung alam kong rumaratrat siya ng shabu, baka akalain kong nagti-trip lang siya. Baka ‘kako sa sobrang kahenyuhan ay umaalagwa na ang kanyang katinuan. Pero hindi… mukhang wala naman siyang tililing. At sa tingin ko’y ser-yoso sa kanyang plano.

Tatlong taon ang matuling lumipas. Kumupas na sa gunita ko ang tungkol sa “orangutan hit squad” ni Mr. Genius. Pero isang gabing nanonood ako ng balita sa telebis-yon ay may nag-ulat na isang mataas na opis-yal ng gobyerno ang binaril at napatay ng isang riding-in-tandem. Ayon sa field repor-ter, maraming nakasaksi sa naturang insidente ng pamamaslang. At ang itinuturong salarin ay ang dalawa umanong orangutan na armado ng matataas na kalibre ng mga baril. Muntik na akong mabilaukan ng kinakain kong hamburger sandwich. Paano ba naman akong hindi magugulantang, e, alam na alam kong may gayong ideya si Mr. Genius. Tiyak na siya ang may pakana niyon. Siya lang, wala nang iba pa…

Wala pang isang linggo ay bumanat na uli ang mga orangutan. Senador ang tinodas na biktima. Sinundan ng isa pa. Congressman naman. Ganito ang ulo ng panguna-hing balita: ORANGUTAN HIT SQUAD, UMATAKE NA NAMAN! Kaya lang, sa pang-umagang edisyon ng mga pahayagan kinabukasan ay nakuhanan ng larawan ang mga orangutan na nabibitag ng malaking lambat. Nabasa ko sa malalaking letra ng headline: “ORANGUTAN HIT SQUAD, SAGING LANG ANG KATAPAT!” Nakapaloob sa detalye ng balita na isang trak ng hinog na saging ang ipinain sa mga tagalikida ni  Mr. Genius kaya madaling nagsisuko ang mga animal na hit squad.

Ngek!                                              (Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …