IPINATIGIL ng aviation officials ang drone beer delivery service para sa mga mangingisda sa frozen northern lakes ng US.
Umaasa ang Lakemaid Beer, tinagurian ang kanilang beer bilang fishermen’s lager, na ang kanilang delivery service ay maka-paghatid ng beer sa mga mangingisda sa Minnesota at Wisconsin.
Sa kanilang YouTube advert, mapapanood ang drone habang naghahatid ng 12 pack ng beer sa mga mangingisda sa kanilang cabin.
Ang ideya ay maaaring tumawag ang mga kustomer sa beer shops at kanilang ibibigay ang GPS co-ordinates upang maihatid ng six propeller drone ang beer sa frozen lake.
Gayunman, hindi inaprubahan ng Federal Aviation Administration ang paggamit ng drones para sa commercial use at kumilos na para ipatigil ito.
Sinabi ni Lakemaid president Jack Supple, “I was little surprised at the FAA interest in this since we thought we were operating under the 400-foot limit.” (ORANGE QUIRKY NEWS)