Wednesday , November 13 2024

Chinese businessmen’s organization ginagamit sa Tax hike

00 Bulabugin JSY

NAG-AALBOROTO ang mga tunay na negosyanteng Chinese sa lungsod ng Quezon City dahil sa pagkatig ng isang nagpapakilalang executive vice president umano ng Quezon City Association of Filipino–Chinese Businessmen Inc., na si Daniel Maching ‘este’ Ching, na pabor daw sila sa pagtataas ng business tax sa nasabing lungsod.

Desmayado kay Ching, ang mga nagsabing sila ang tunay na negosyante, may puhunan, may lehitimong negosyo, nagbibigay ng trabaho, tumutulong sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng lungsod  at higit sa lahat nakatutulong sa pagpapasigla ng kalakalan sa buong bansa.

“Hindi siya ang presidente namin bakit siya ang nagsasabing pabor kami sa tax hike na masyadong oppressive at excessive,” anang isang negosyanteng Chinoy sa Kyusi.

Dahil umano sa pagsisipsip ni Ching kay Mayor Herbert Bautista ay masyadong nasasakripisyo ang kalagayan at interes ng mga negosyante.

Sabi pa nila, “hindi kami mga private contractor na umaasa sa katas ng government projects.”

“We are manufacturer, merchants, food producers, and helping the other industry to boost our economy, e bakit kami ang ginigipit nila?”

Sinabi rin ng mga businessman na matagal na silang nagtitiis sa kalagayan nila bilang maliliit na negosyante, ang dapat nga e suportahan sila ng gobyerno o magkaroon ng programa ang gobyerno kung paano sila tutulungan.

Pero ang nagyayari umano, ‘pinipiga’ na nga sila ‘e mukhang gusto pa silang simotin nang husto.

Nauna nang sinabi ni Ching sa panayam na,  “We can see the quality service provided by the Quezon City government to the residents, so we are willing and we understand.”

Sinabi niya ito sa pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year sa Chinatown ng Kyusi nakaraang Biyernes.

Pai wah!!!

Ito ay sa kabila na dumaing na ang Quezon City chapter ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)  na posibleng maraming negosyo ang magsara sa pagpapatupad ng 10 percent increase sa business taxes.

Ayon kay Carl Balita, PCCI Quezon City chapter president,  “oppressive and excessive” ang nasabing tax hike kaya dapat lang na ipatigil ang implementation.

Tsk tsk tsk …

Mayor Herbert Bautista, galit ang mga Chinese businessmen … sa palagay mo ba ay tamang tao ‘yang kinakausap mo?!

Pag-isipan n’yo muna ‘yan!

Remember, 2016 is coming.

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *