ISINISISI sa utot ng mga baka ang naganap na pagsabog na halos naghagis sa bubong ng barn sa Germany.
Ang methane gas na inilalabas ng mga baka ang nagdulot ng pagsabog na ikinasugat ng isa sa mga baka gayundin ay napinsala ang bubong ng cow shed.
Sinabi ng mga bombero, ang mataas na volume ng gas ay naipon mula sa utot at dumi ng 90 dairy cows, ayon sa ulat ng BBC.
Naniniwala silang ang static electricity charge ang nagpasiklab sa gas, na nagdulot ng pagsabog sa farm malapit sa central German town ng Rasdorf.
Agad nagtungo ang emergency services sa farm at nagsagawa ng gas rea-ding upang masuri ang posible pang maganap na pagsabog, pahayag ng local media.
Ang mga baka ay pinaniniwalaang naglalabas ng 500 liters ng methane – ang potent greenhouse gas, kada araw.
(ORANGE QUIRKY NEWS)