Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit masakit ang ‘pechay’ pagkatapos makipagtalik?

00 try me francine prieto

Hello Francine,

Kapag natapos kami magtalik ng asawa ko mahapdi ang labi ng ‘pechay’ ko na para bang nagasgas. Ano ang pwedeng ipahid doon? Salamat.

JENNY

 

Dear Jenny,

Kaya mahapdi ang ‘pechay’ mo pagkatapos ninyong magtalik ng asawa mo dahil kulang kayo sa warm-up! Minadali ninyo ang pagtatalik, hindi pa handa ang katawan mo lalo na ang ‘pechay’ mo kaya nabigla siya. Para mas lalo mo maintindihan ang katawan mo ganito ang pinagdaraanan nito kapag tayo ay nakikipagtalik.

May apat na phase ‘yan: Excitement, Plateau or Arousal, Orgasm at Re-solution.

Sa Excitement Phase, 10-30 segundo ang itina-tagal nito, nagsisimula na ang lubrication sa babae, bumubuka at lumalalim na ang ari, tumitigas ang nipples, minsan pa lumalaki ang size ng suso. Sa lalaki naman, nagsisimula nang tumayo ang kanyang ari at minsan naninigas din ang kanyang nipples.

Sa Plateau Phase naman ay lalo kayong nakararamdam ng init at excitement, mas lumaki at tumigas na ang ari ng lalaki, at ang ari naman ng babae ay nagsisimula nang sumikip ng 30% ang pasukan para sa pagpasok ng ari ng lalaki, kumakapal ang inner lips ng ari ng babae, namamaga na rin ang clitoris at ‘yung outer lips naman ay nag-flatten, kaya ganito ang nangyayari dahil tumataas ang dami ng blood flow kaya lumuluwag ang blood vessel. Ang labi sa loob ng ari ng babae ay nag-iiba din ng kulay, sa mga hindi pa nanga-nganak ito ay kulay pink to bright red at sa mga nanganak na ay bright red to deep wine color. Sa phase na ito ay bumibilis ang pulse rate ninyo tulad sa taong stress at nasa pa-nganib, minsan nagkakaron rin ng “sex flush” o namumula ang mukha, leeg, dibdib, tiyan.

Sa Orgasm Phase naman, ito na ‘yung climax ng pakikipagtalik at ito rin ang pinakamaiksing phase sa apat. Ang lalaki ang mas mabilis labasan samantala ang babae ay pwedeng tumagal hanggang 15 minuto kung siya ay hindi nakapag-warm up nang mabuti (foreplay, lubrication).

Ang huli ay ang Resolution Phase na pagkatapos ninyong labasan ay bumabalik na sa dati ang inyong mga ari at katawan. Ito ay pwedeng tumagal ng ilang minuto hanggang kalahating oras, mas ma-tagal ito para sa babae kaysa lalaki at mapapansin mo na parehas kayong pinagpapawisan.

      Mas magandang malaman ang nangyayari sa ating mga katawan habang tayo ay nakikipagtalik para alam natin kung ano ang dapat nating gawin at siyempre huwag kalimutan ang komunikasyon.

Kung sa simulang phase palang ay hindi ka na-relax at masyadong tensiyonado ay malabong tayuan si lalaki at malabong mag-lubricate si babae, kaya importante na huwag magmadali, may sinasabi nga na dapat daw ay may 20 minutong foreplay bago kayo magtalik. Alalahanin mo na ang ‘pechay’ natin ay napakanipis na balat hanggang sa loob niyan kaya kung hindi basa at pinasukan ‘yan ng ari ng lalaki paniguradong magagasgasan at masa-saktan ka na.

At huwag mong kali-limutang uminom ng tubig bago makipagtalik para makatulong ‘yan sa natural lubrication mo, kung talagang kulang ay may mga sex lubricants naman na nabibili sa drug store. Pero siyempre kung lagi ka na lang nasasaktan pagkatapos ng pagtatalik ninyo ni Mister ay mas makabubuti kung kumunsulta kayo sa doktor.

Love, Francine

***

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pa-milya, Sex at Relasyon, nandito ako handang magbasa ng inyong pinagdaraanan at sasagutin ko  base sa aking sa-riling opinyon at paniniwala.

Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected] or text me 0939-9596777

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …