UMALMA na ang mga senior citizen sa iba’t ibang panig ng bansa at kinatigan ang pagsasampa ng kasong contempt sa Supreme Court (SC) ni dating Rep. Godofredo Arquiza ng Senior Citizens Party-List laban kina Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr., Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph sa hindi pagpoproklama sa kanya kahit matagal nang iniutos ng SC.
Ayon kina Rodolfo Esfulgar at Ching Lacson, opisyales ng senior citizens sa Quezon City, malinaw na “binastos” nina Brillantes, Tagle at Yusof ang SC sa hindi pagsunod sa utos nito noong Hulyo 23, 2013 na iproklama ng Comelec ang dalawang nominado ng Senior Citizens Party-List matapos makakuha ng mahigit 600,000 boto sa May 2013 elections.
Marami na ang nagtataka kung bakit ayaw iproklama nina Brillantes, Tagle at Yusof ang nominees ng nakatatanda gayong sila mismo ay senior citizens na.
Ano ba talaga ang motibo ni ChairmanSixtong at nina Commissioner Yusoph at Commissioner Tagle at tahasang ipinakikita nila ang kawalan ng pagmamalasakit sa mga senior citizen?
Ibang klaseng nilalang talaga ‘yang 3-M division na ‘yan sa Comelec …
Senior Citizens na nga sila pero hindi pa rin naghuhulas sa cash-gulangan.
Ay sus!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com