BAGAMA’T maaari ka-yong pumili ng isang paraan para makabuo ng good energy, sundin ang tatlong hakbang sa pagbatid sa best colors para sa inyong bedroom.
*Alamin ang home bagua (Energy map). Alamin ang bagua ng inyong tahanan at tingnan kung anong mga kulay ang nararapat sa inyong bedroom. Ayon sa inyong home bagua, mayroong specific colors na inirerekomenda sa specific areas, kaya inyong mababatid kung anong mga kulay ang pinakamainam sa bagua area na kinaroroonan ng inyong bedroom. Maaaring matagalan dito ngunit ang good energy ay tiyak na kakalat sa buong bahay dahil kapag nalaman n’yo na ang bagua, o energy map ng inyong tahahan, tiyak na ia-apply mo ito.
*Alamin ang best color ng inyong personal energy. May li-mang elemento sa feng shui at ang inyong enerhiya ay mababatid sa isa sa mga elementong ito. Ang ibig sabihin, mayroong specific co-lors na sumusuporta sa inyong enerhiya, at mayroong mga kulay na magpapahina sa inyo. Alamin ang best colors na magpapalakas sa inyong enerhiya/inyong personal feng shui birth element gayundin ang mga kulay na dapat mong iwasan. Halimbawa, ang inyong birth element ay Wood, ang red o pink bedroom wall color ay hindi very good feng shui para sa inyo.
*Pumili ng isang skin tone colors para sa inyong bedroom décor. Ang hakbang na ito ay napakadali: huwag kalimutan na magkaroon ng kahit ilang décor items na may skin color tones para makabuo ng warm, good feng shui sa inyong bahay. Ang skin color tones ay mai-nam din bilang bedroom wall color, dahil ito ay nagdudulot ng enerhiya na katulad ng yakap; ito ay earthly, warm, nouri-shing energy na ating kailangan, lalo na sa gabi.
Lady Choi