ISANG grupo ng mga residente sa Mandaluyong City ang nagpaabot ng reklamo sa inyong lingkod tungkol sa isang hotel d’yan sa Madison street na sinabing nakapag-o-operate ngayon ng SLOT MACHINES.
Kung inyo pong maaalala, sa SLOT MACHINE na ‘yan sa Madison Square Garden Hotel napiktyuran si dating Land Transportation Office (LTO) chief Virgie Torres na enjoy na enjoy habang naglalaro.
Ayon sa mga nagrereklamong residente, sa mga susunod na araw umano ay ilalatag na rin d’yan ang table games …
Ang una raw usapan diyan ay slot machines lang ang ilalatag.
Kaya nga nagtatanong sila … paanong nakalusot kay Mandaluyong Mayor Benhur Abalos ang TABLE GAMES sa Madison?
Inaprubahan ba niyang mag-isa ‘yan nang walang pagsasaalang-alang sa KONSEHO?!
O ‘yung KONSEHO ang nag-apruba nang walang pagsasaalang-alang kay Mayor Benhur?!
Hindi lang slot machines at table games, inirereklamo rin ng grupo ang nagaganap na pinaniniwalaang ‘pokpokan’ sa nasabing garden hotel.
Mayroon umanong establisyemento sa nasabing garden hotel na mayroong lugar na pwedeng pagdausan ng pokpokan na kunwari ay masahe lang.
Dahil umano d’yan kaya siguro nagiging paboritong tambayan ng malalaking politiko at government officials ang garden hotel.
Idinagdag ng mga nagrereklamo na ang nasabing hotel ay malapit na malapit lamang sa Villa San Miguel, ang tahanan ng Cardinal ng Simbahang Katoliko.
Mayor Benhur Abalos, mukhang mayroon kang dapat ipaliwanag sa publiko.
Ano na talaga ang nangyayari sa Mandaluyong at pumapayag na kayong magkaroon ng mga ganyang establisyemento sa lungsod ninyo?
Pakisagot lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com