Monday , December 23 2024

Filipino constituents panalo hindi talo kay Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV

00 Bulabugin JSY

NGAYON pa lang ay gusto ko nang sabihin na ang mga Filipino ay magkakaroon ng bagong statesman sa katauhan ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV.

Masasabi kong hindi lugi ang 14,127,722 Pinoy na bumoto sa kanya nitong nakaraang May 2013 elections dahil bilang MAMBABATAS ay ginagawa niya ang lahat para bantayan at proteksiyonan ang interes ng sambayanan.

Ilang beses na nating nasubukan si Senator Trillanes sa kanyang ‘katapatan sa bayan.’

Nakulong siya dahil sa pagsusulong ng mutiny laban sa katiwalian sa military.

Pero kahit nakakulong siya ay ibinoto pa rin siya ng sambayanan at nanalong senador.

Noong nakakulong siya, hindi lang siya nagmukmok at nagbilang ng ‘rehas’ sa kanyang kinasasadlakan kundi gumawa siya ng mga programa, panukalang batas at iba pang tungkuliln ng isang regular na mambabatas.

Si Trillanes ang naghain ng petisyon para makakuha ng temporary restraining order (TRO) para hindi magtagumpay ang ‘swapang’ na kompanya ng Meralco na magtaas ng power rate.

Bagamat 60 araw lamang ang nakuhang TRO ni Sen. Trillanes, masasabi nating malaking bagay ‘yan para sa mga consumer habang ang Malacañang ay nga-iisip (kuno) ng paraan kung paano sosolusyonan ang hindi umano mapipigilang pagtaas ng power rate.

Buong tapang din na tinuligsa ni Trillanes ang paglalaan ni Jinggoy ng kanyang P100 milyones na pork barrel sa lungsod kung saan mayor ang kanyang ama — ang Maynila.

Sabi nga ni Sen. Trillanes … “Pakapalan na lang ito …”

‘E mantakin n’yo naman, alam na alam ni Jinggoy na siya ay under fire dahil sa paglalaan nila ng malaking porsiyento ng kanilang pork barrel sa mga pekeng non-government organization (NGO) ni Janet Lim Napoles pero nakuha pa niyang magbigay ng P100M sa lungsod ng tatay niya?!

‘E pakapalan na nga naman ‘yan. Lalo pa’t ang kanyang erpat ay convicted plunderer.

Parang ayaw talaga ng DELICADEZA ng mga Estrada at Ejercito.

Mukhang hindi ‘delicacy’ sa kanilang pamilya ‘yan.

Mabuti na lamang at hindi ganyan ang ginagawa ni Sen. Trillanes at malayo niyang gawin ‘yan.

Mabuhay ka Senator Trillanes!

Nawa’y magpatuloy ka sa iyong magandang ginagawa at huwag kang magpasindak sa mga tiwaling sistema at gawa.

Suportado ka ng 14 milyong Filipino!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *