Thursday , November 14 2024

Ang ‘Napoles Agimat’ ni daddy ipinasa kay dayunyor (Like father like son)

00 Bulabugin JSY

ANG tawag na raw talaga ngayon sa ‘Plenary Hall’ ng Senado, na minsang minarkahan ng mga tunay na statesman na sina Claro M. Recto, Lorenzo Tañada, Jose W. Diokno at iba pang lumikha ng kasaysayan sa Philippine politics, ay “ENTABLADO NG KASINUNGALINGAN.”

Mantakin n’yo naman, palagay natin ay ‘matikas’ ang pinaghiraman ng ‘kapal ng mukha’ ni Senator BONG REVILLA dahil talagang walang kurap nang ihayag niyang wala siyang kinalaman sa P10-billion pork barrel scam.

Pero hindi raw basta nanghiram lang ng ‘KAPAL NG MUKHA’ si Sen. Bong kundi ipinamana raw pala ni Daddy ang ‘agimat ni Napoles.’

Ay sus… like father, like son pala?!

Ayon mismo sa whistleblower na si Benhur Luy, isa si dating Sen. Ramon Revilla, Sr., sa mga unang kliyente ni Janet Lim Napoles kung paano ida-divert ang kanyang pork barrel sa mga pekeng non-government organizations (NGOs).

Ayon kay Luy, sa pagitan ng 2003 at 2004, umabot sa P35 milyon ang nai-channel ng matandang Revilla mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa  mga local government units gaya sa Clarin, Misamis Oriental (P10 million); San  Quintin, Pangasinan (P5 million); Porac, Pampanga (P5  million); Siniloan, Laguna (P5 million); San Juan, Leyte (P5  million); at Dawis, Bohol (P5 million).

Gamit umano sa implementasyon ng nasabing project ang kompanyang Jo Chris Trading para sa delivery ng Foliar Fertilizer.

Ang Jo Chris ay main trading firm ni Napoles na ipinangalan sa kanyang anak na babae.

Panahon pa umano ng matandang Revilla, ang tao na nilang si Richard Cambe ang nakikipag-ugnayan kina Luy at Napoles lalo na kapag kuhaan na ng ganansiya.

‘E ano ‘yung sinasabi ni Dayunyor na ang tatay umano niya mismo ang nagsabi sa kanya na magsalita para ipagtanggol ang kanilang pamilya at dangal (name and honor)?

Baka ipagtanggol ang pakinabang at ganansiya hindi ang “name and honor”?

May alam tayong kasabihan, “Less talk, less sin.”

Kapag naakusahan na, mas mabuti pang manahimik na lang. ‘Yang pagiging madaldal at maingay ‘e parang paglusong sa kumunoy. Habang kumikilos ay lalong nababaon …habang nagdadaldal ay lalo lang lumulutang ang mga ebidensiya at lumalabas sa sariling bibig ng akusado.

Okey na sana ‘yung kayo na lang mag-TATAY ang naglolokohan, huwag na ninyong isama ang sambayanang Pinoy sa lokohan ninyo.

Gusto n’yo pang LUMUSOT, ‘e swak na swak na nga kayo.

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *