ANG anyo at tunog ng singing bowls ay magdudulot ng powerful energy sa ta-hanan ng sinoman. Kabilang sa powers ng misteryosong singing bowls ang “cente-ring, healing and purifying”. Kung hindi pa kayo naka-ririnig ng singing bowls, dapat n’yo itong subukan.
Ang feng shui use ng singing bowls ay katulad ng gamit ng bells (ang singing bowls ay ikinokonsidera ring isang uri ng bell). Ang openness ng bowl ay nagdudulot ng dagdag na kalidad ng enerhiya na magagamit bilang feng shui cure, at ang feng shui use ng singing bowls ay higit na matindi kaysa feng shui use ng bells.
Ang singing bowls ay tradisyonal na ginagamit sa Asya sa nakaraang 3,000 taon, o higit pa. Tinagurian din bilang Tibetan singing bowls, o Himalayan singing bowls, mata-tatagpuan ito sa kasaluku-yan sa bookstores at musical shops.
Ang ilang singing bowls ay napalalamutian ng maraming ornament, katulad ng Om sign, Buddha image o ibang spiritual symbols, habang ang ibang singing bowls ay simple lamang. Maraming singing bowls ang ibinibenta na may silk cushion bilang suporta sa bowl, gayundin ay may mallet (ang wooden part na ipinapalo sa bowl).
Ang pinakamahalagang asepeto ng singing bowls ay ang tunog. Kung mataas ang kalidad ng bowl, mataas din at higit na puro ang tunog na malilikha nito. Maaaring piliin ang singing bowls na gustong-gusto mo, ngunit may makikita ring mainam na kalidad ng singing bowls sa internet.
Lady Choi