INAABANGAN daw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pag-uwi ni Rose ‘Osang’ Fostanes, ang overseas Filipino worker (OFW) na kauna-unahang champion sa X-Factor Israel.
Bukod sa karangalang ibinigay ni Osang sa mga Pinoy, tuluyan din winakasan ang sabi nga ‘e sumpa ng awiting “MY WAY” sa mga kumakanta nito sa mga videoke bar sa ating bansa.
‘Yung kung hindi pagmumulan ng away ‘e mayroong titimbuwang.
Anyway, mukhang may natira pang sumpa ang MY WAY …para kay Osang.
Kasi ba naman, mayroon agad pronouncement si BIR Commissioner Kim Henares na aabangan daw ng kanyang ahensiya ang pag-uwi ni Osang, para tuusan ng ‘BUWIS’ mula sa kanyang premyo … hehehe …
Anak ng tokwa…
Buti na lang mahigpit ang rules ng X-Factor na huwag i-divulge kung magkano ang CASH PRIZE nila.
Aba ‘e kung may ganyang ‘batas’ sa pagbubuwis ang Philippines my Philippines, dapat pala pati ‘yung mga BEAUTY QUEENS and ATHLETES natin na nanalo sa iba’t ibang KOMPETISYON sa labas ng bansa ‘e buwisan din?!
WTF!!!
Imbes bigyan ng incentives o stipend ng gobyernong Pinoy ang magagaling nating atleta at alagad ng sining ‘e gusto pang gatasan.
Naman, naman …
E bakit ‘yung mga matitinik na TAX EVADERS at MONEY LAUNDERER sa Resorts World Casino Manila, Solaire at sa iba pang mga casino ‘e hindi HINAHABOL ng ahensiya ninyo Commissioner KIM HENARES?!
Bakit hindi mo pag-initan ‘yang mga ‘DAYUHANG NANGGAGANTSO’ sa ekonomiya natin?!
Bakit doon ka gigil na gigil sa mga KABABAYAN natin na nag-uuwi o nagbibigay ng karangalan para sa bansa, saang lupalop man sila naroroon?!
SONAMAGAN-DA talaga ang layunin mo Commissioner Kim!
Marami nang nalilito kung paano ka magpatupad ng batas sa pagbubuwis. Ano ba talaga kuya ‘este’ ate?!
Ano, ipauubaya mo na naman ba sa KONGRESO ang pagdedesisyon sa bagay na ‘yan?
Aba ‘e dapat pala nag-CONGRESSWOMAN ka, hindi ka nag-komisyoner.
Ayusin mo ‘yan, Commissioner kasi kawawa naman ‘yung mga kababayan natin na nagsisikap magbigay ng karangalan sa ating bansa.
Ay sus!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com