KUNG hindi pa naholdap at na-carnap ang isang grupo ng mga yuppie sa Kamuning (ilang metro lang mula sa QCPD Police Station 10), hindi pa siguro maglalagay ng massive checkpoint ang Quezon City Police District (QCPD).
Hindi ba’t minsan nang nabansagan na carnap capital ang Quezon City?
Kumbaga, gumaan lang nang konti ay lumuwag na agad ang seguridad.
Okey ‘yan na nagiging mahigpit ang pulisya sa mga naka-motor. Kasi nga bukod sa madalas na aksidente ay ‘yan pa ang ginagamit na behikulo ng masasamang-loob.
Pero natawa naman ako sa panukala doon sa mga nagmo-motorsiklo na pinagsusuot ng vest at doon nakasulat ang malaking numero ng motor. Mas madali raw kasing sitahin kapag hindi nakasuot ng nasabing vest.
Okey, okey, for identification purposes ‘e pwede nga. Pero hindi naman ‘yan deterrent sa paggawa ng kriminalidad.
Baka nga marami pa ang mapahamak kasi ang gagawin lang ng masasamang-loob ay magsuot o magpagawa rin ng vest na may numero pero anytime ay pwede na nilang idispatsa gaya rin ng motor na ginagamit nila.
The best way para sugpuin ang kriminalidad ay paganahin ang POLICE VISIBILITY at intelligence group kung saan nagpupugad ang mga kriminal.
‘Wag paganahin ang intelligence group para lang sa intelihensiya QCPD DD Gen. Richard Albano.
Ay sus naman!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com