TALAGANG kung pagkanta at pagiging entertainer ang pag-uusapan ay hindi maikakailang namamayagpag d’yan ang lahing Pinoy.
Itinatak na ng mga dekalidad na artist/singer/musician ang MAPA ng Philippines my Philippines sa buong mundo dahil sa napakahusay nilang TALENTO.
Ang pinakahuli, ang tumapos sa SUMPA ng kantang “MY WAY” ni Frank Sinatra na si Rose “Osang” Fostanes.
Hindi lamang mga kapwa Pinoy ang sumuporta kay Osang sa kauna-unahang X-Factor Israel kundi maging ang mga residente sa nasabing bansa na naniwala at humanga sa talento at kakayahan ni Osang, isang caregiver na ilang taon na rin nagtatrabaho roon.
Hindi naging sagwil, kahit na malayo sa katawan ni Rosanna Rocess ang pigura ni Osang Fostanes.
Alanganin man sa umpisa, sa huli ay napagtagumpayan din ni Osang na IBANDILA ang lahing Pinoy sa bansang pinananahanan ng mga Hudyo.
Palagay natin ay panahon na upang pagyabungin ng gobyernong Pinoy ang pagsuporta sa mga kababayan natin na punong-puno ng talento lalo na sa pag-awit.
Sa pinakahuling balita kay Osang, gagawa sila ng single na pagsasamahan nila ni Susan Boyle.
Mabuhay ka Osang, nawa’y huwag kang mabigo sa iyong layunin na laging bigyan ng karangalan ang ating bansa gamit ang iyong talent …
APIR!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com