GUSTO nating batiin ang National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Illegal Drug Task Force dahil sa magandang trabaho nila kamakalawa.
Isang bigtime drug syndicate na nag-o-operate sa Fort Bonifacio Global City na sinasabing sangkot sa Mexican drug cartel ang naaresto ng mga operatiba ng NBI sa isang condominium sa Taguig City.
Dalawang Canadian nationals at isang Pinoy ang naaresto ng mga operatiba ng NBI ng salakayin nila dakong madaling araw ang nasabing condominium.
Hi-tech na hi-tech ang kitchen-type drug (shabu/ecstacy) laboratory ng Canadians na sina James Riach at Barry Espadilla kasama ang Pinoy na si Tristan Olazo sa Unit 301 ng The Luxe Residences, 28th Street, Bonifacio Global City.
Nakompiska sa nasabing kitchen-type laboratory ang milyon-milyong halaga ng shabu (Metamphetamine Hydrochloride), ecstasy at cocaine.
Ayon mismo kay Justice Secretary Leila De Lima ay halos pitong buwan nang nag-o-opearte ang nasabing drug syndicate.
Ang mga raw materials umano n’yan ini-import mula sa Mexico at finish products ay ibinabagsak sa mga night clubs and gimik bars.
Talagang nakaaalarma na ang operasyon ng iligal na droga sa bansa. Mismong sa report ng NBI, batay sa kanilang imbestigasyon ang unit sa nasabing plush condo ay inuupahan Canadian-Mexican-Iranian drug cartel.
Ayon kay NBI OIC, Atty. Medardo de Lemos, NBI ang mga suspek ay may kaugnayan sa isa pang drug cartel Canada.
Mantakin ninyo kung ilang buhay ang sisirain ng mga drogang ‘yan?!
Buti na lang at nadadale sila ng NBI.
KUDOS, NBI OIC De Lemos & your men!
Keep up the good work at sana’y magtuloy-tuloy pa ang malalaking operasyon ninyo laban sa droga.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com