Friday , November 22 2024

Ang kaban ba ang bangkarote o ang utak at moralidad ng bagong administrasyon?

00 Bulabugin JSY

ILANG buwan na lang at isang taon na palang ang nakalipas ang eleksiyon noong May 2013.

At d’yan tayo natatawa…lalo na sa mga tiga-Manila City Hall na parang hindi maka-move on kahit sila ang naka-pwesto d’yan!

Mantakin ninyong mag-iisang taon na ay hindi pa rin natatapos ang litanya ng bahong ‘este’ bagong administrasyon sa Maynila — mula pag-upo nila hanggang ngayon ang lagi nilang DIALOGUE, BANGKAROTE raw ang Maynila.

Nang una nilang ideklara ito sa mga taga-Maynila, sinagot sila ni Mayor Alfredo Lim  na mayroon siyang iniwan na P1.5 bilyon at ito nga ay espisipiko nang naka-budget para sa mga dapat paglaanan.

Ibig sabihin hindi totoong bangkarote ang Maynila nang ipasa ni Mayor Fred Lim sa bagong administrasyon.

Pero nagtataka nga tayo kung bakit ganyan ang pa rin litanya nila.

Kung totoo naman BANGKAROTE, ‘e hindi na nakapagtataka ‘yan dahil sa nakaraang administrasyon  nadeskubre ng COA na SANDAMAKMAK na GHOST EMPLOYEES sa tanggapan ng VICE MAYOR at ng ilang mga KONSEHAL sa Maynila.

Hindi nga ba’t KINALOS ni Mayor LIM ‘yan mga ghost employees n’yo!?

‘Yan dapat bang imbestigahan ninyo Konsehal Joel Chua.

‘Yan mga TUA CHAT sa konseho!

Hindi ‘yung ngawngaw nang ngawngaw ka d’yan na maraming ‘wala’ sa Maynila.

‘E anim na buwan na kayong nakaupo, ano ang ginawa ninyo para magka-pera ang Maynila?!

Umasa sa ‘malalaglag’ na biyaya gaya ng ipinagmamalaki at ipinagtatanggol ninyong P100-M realigned pork barrel ni Senator Jinggoy Estrada?

Anak ng tokwa…

Matanong nga kita Konsehal Joel Chua, ano ba ang bangkarote, ang kaban ng Maynila?

O ang  mga UTAK at MORALIDAD ninyo?!

Aba ‘e magtrabaho kayo para magkapera ang kaban ng Maynila hindi ‘yang bulsa lang yata ninyo ang inaasikaso ninyo?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *