Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, ‘di tiyak kung nanliligaw sina Luis at Paulo

MAGALING na palang humarap sa press ni KC Concepcion ngayon. Relaxed na relaxed na siya. At magaling na pala siyang mag-Tagalog. Hanggang kaya n’yang ipaliwanag ang ano man sa Tagalog, hindi siya nag-i-Ingles.

“Darating pa ba si Gov?” pabiro at malambing na tanong n’ya kay katotong Jobert Sucaldito noong press conference,  Martes ng hapon para sa pelikulang Boy Golden, na siya ang leading lady ni Jeorge Estregan (ang Laguna governor under his real name ER Ejercito).

Alas dose kasi ng tanghali ang calltime ng press-con na ‘yon. Mga ala- una, o ala una-i-medya na dumating si KC, pero mag-a-alas tres na ay ‘di pa rin dumarating si Gov. Para nga ‘di-mainip ang press sa paghihintay, sinimulan ni Jobert (bilang PRO ng pelikula) ang question-and-answer kina KC at Tonton Gutierrez habang hinihintay ang pagdating ni Gov. Pero ang nangyari ay nakaalis na sina KC at Tonton, pati na sina Chito Roño (direktor ng pelikula), at Abra (‘yung rapper na kumanta ng theme song ng pelikula) nang dumating si Gov.

Pero naiintindihan naman naming press people ang sitwasyon ni ER. Sa Laguna pa siya nanggagaling. At ginawa naman ni Jobert ang kahat para mapakinabangan ang oras ng paghihintay kay Gov. at para malibang ang press.

Bukod nga sa pagpapaharap na sa press kina KC, Tonton, direk Chito, at Abra, pinakanta ni Jobert ang mga alaga n’yang sina Billy Prima Diva at Michael Pangilinan, at nagsimula na siyang magpa-raffle.

Nakatutuwa si KC nang bumubunot siya ng winners para sa iba’t ibang premyo. Isa sa mga premyo ay kung ilang sakong bigas, at tinanong pa n’ya kay Jobert kung anong klaseng bigas ba yung mapapanalunan: kung brown rice ba, red rice, o Japanese Rice. Basta magandang rice raw ‘yon, sagot naman ni Jobert.

As much as she could, sinasagot naman ni KC lahat ng tanong sa kanya, at ‘yung ayaw n’yang sagutin ay magiliw n’yang sinasabing ayaw n’yang sagutin. Halimbawa ay kung kanino kina Luis Manzano at Paulo Avelino siya mas close ngayon at mas enjoy makipagkaibigan? Basta close friends naman daw n’ya ‘yung dalawa at hindi siya sigurado kung panliligaw ‘yung ginagawa nilang pakikipagkaibigan sa kanya.

Piolo, wala na sa kamalayan ni KC

Parang hindi naman siya galit sa ex-boyfriend n’yang si Piolo Pascual. Wala naman siyang negative reaction nang may bumanggit na halos pareho ang pangalan ng dalawa. Parang wala na nga sa consciousness n’ya si Piolo, eh. Kung hindi pa may bumanggit, hindi siya aware na ang pangalang Paulo ay malapit na malapit sa Piolo.

danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …