Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gov. ER, hanga sa galing umarte ni KC

NAGULATang lahat sa  naging pahayag ng masipag at very generous na Governor ng Laguna na siER Ejercito na kung pagbabasehan ang husay ni KC Concepcion saBoy Goldenng Viva Films at Scenema Concept Internationalatentrysa2013  Metro Manila Film Festival ay mas magaling itong actress sa inang si Sharon Cuneta.

Tsika ni Gov. ER, sobranggalingdawdito ni KC. Kaya namanhindi malayong maiuwi nito ang Best Actress award sa darating na Metro Manila Film Festival Awards Night.

Hangang-hanga raw ito sa husay ng dalaga pagdating sa pag-arte.

Hindi nga raw ito umaasa na mananalo siya sa MMFF sa pagka-Best Actor, pero manalo lang daw si KC ay okey. Masaya na raw siya na nanalosa PMPC, Luna Awards, at Famas.

Martin, madalas maka-tanggap ng indecent proposal

OPEN book daw ang bida saTV5, Positivena si Martin Escuderosa pagsasabing marami siyang natatanggap na indecent proposal mula sa mga mayayamang bading.

Pero ni isa raw sa mga ito ay wala siyang pinatulan, bagkus ay kinausap niya ng maayos at kinaibigan para hindi mabastos ang mga ito. Hindi namandaw sa nagmamalinis siya, pero pinalaki raw siya ng magulang niya ng maayos.

At kahit ngamalaki at very tempting ang offer sa kanya ng mga mayayamangbading ay hindisiya nasilaw sa mga ito. Mas gustokasi niyang ang lahat ng bagay na gusto niya ay makukuha niya ng galing sa kanyang kinita mula sa pag-aartista.

Everytime nga rawna may indecent proposal siyang natatanggap ay hindi siya nagagalit, iniisip na lang niya na humahanga lang ang mga ito sa kanya, kaya naman nag-aalok ng mga mamahaling bagay o pera.

Mas naging maingatsi Martin simula nang magbida saPositivedahil maramisiyang nalaman sa kung paano nagkakaroon ng sakit na HIV, kaya namanina-apply niya at ibinabahagi ang mga natututuhan sa show sa kanyang mga kaibigan.

Meet and Greet ni Teejay, matagumpay!

NAGING malaking tagumpay ang katatapos na meet and greet ni Teejay Marquez sa bagong bukas na Fishers Mall sa Pantranco noong December 15 hatid ng  Bonita Tissue. Si Teejay ang kauna-unahang image model nito.

Bukod sa games at dami ng give aways na inihanda ng Bonita Tissue, nakasama ni Teejay ang Internet Sensation at tinaguriang Twitter Cutties na UPGRADE na kinabibilangan nina K CEE Martinez, Armond Bernas, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Mark Baracael, Ron Galang, atRaymond Tay gayundin ang grupong Full Force Dancers na kinabibilangan naman nina Lance, Clark, JB, King John, Yosh, Ali, at JM. Nagsilbing host naman ang Walang Tulugan at DZBB594 Walang Siyesta co-host na si Johnna Chu Chu.

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …